My Boyfriend and His First Love
By: Tink◦°˚◦°˚CHAPTER 15◦°˚◦°˚
◦°˚◦°˚Mystery◦°˚◦°˚
Napaparanoid na siya sa kaiisip kung sino ang may gawa nun sa kanya. Only hope ay ang daddy niya, dapat magising ito. Nagpunta siyang mag isa sa bahay, isa na itong ruins.
Magulo, mabaho at tinitirhan na ng kung anu anong insekto.
She sneezed.
Ang bahay na dati napakaganda ngayon kinakain na ng anay. Una niyang pinasok ang kuwarto ng ama. Napakagulo, wari'y dinaaanan ng dalawang ipo ipo. Dati dito siya natutulog sa tuwing kumukulog, her comfort zone na kahit busy ang mga magulang the scent still can comfort her.
Gaya ngayon, her heart started to calm. Nakita niya ang mga old frames. Their picture perfect, nakasabit padin doon ang wedding picture ng mga magulang. Parehong nkangiti ang mga ito, and there she is, picture niya nung eighteen siya.
Perfect..almost perfect. Her mom died because of his dad, bakit kasi sumama pa siya sa iba?bakit hindi nalang nakunteto sa ina niya?.
She opened the closet, naroon pa din ang mga damit ng parents niya, and...
An old files. Mabilis niya iyong kinuha, at pinag aralan. Sana may makuha siyang lead to reveal the mystery.
Her phone rang at si Pio ang tumatawag. Kumabog ang dibdib niya, she still felt nervous parang first time ulit niya umibig." Hi Pio.." bati niya, habang inisa isa ang laman ng file box.
Memory cards, diskettes, flashdrives at kung anu ano pa ang nandoon." San ka mahal ko?Dinalaw ko ang dad mo pero sabi ni Uncle Peter kaalis mo lang, gabi na, nag aalala na ako sa yo" Napabuntong hininga siya, hindi niya nasabi kay Pio kung saan siya pupunta.
" Nandito ako sa bahay, tinitignan ko ang mga gamit." saad niya.
Mabilis niyang nilagay sa bulsa ng jacket ang mga iyon. She inspected the wall too. Isa iyong pintuan na kadugtong ng kanyang kwarto, her dad often pass that door specially kapag uuwi na ito, he will kiss her and tell her how much he love her.
Pilit niya iyong tinutulak.
" Im sorry..." napaluha siya. Siya iyon, she's like pushing a wall that can't be moved. Napaluha siya.
" Im sorry.." sambit niya ulit. She can't imagine how her dad endured those." Putcha!bilisan mo" boses ng lalaki ang narinig niya mula sa sala. She recognize the voice pero hindi niya maalala.
" Boss!heto na" saad ng isang boses. Isiniksik niya ang sarili sa closet ng mga magulang.
" Icheck mo yung sa cctv record"
Shit.
Napamura siya. She have to escape. Hindi niya naalalang may cctv ang bahay nila, anytime malalaman ng mga itong nasa bahay siya." Hanapin na natin si Doctora, siguradong nandito siya" anang isa pang boses.
" Sinabi ba niya na nandito siya?' ' saad ng tinawag na boss.
" Oo boss kinumpirma niyang nandito nga ang doktor" Napatutop siya ng bibig.
Lumingon lingon siya.
Bintana. Mababa lang iyon, habang papalapit ang mga yabag binilisan niya ang kilos at tumalon sa bintana.
She fell hard. Dama niyang masama ang pagtama ng tuhod niya, punit ang pantalon niya.
" Oucchhh" umaaray pa siyang tumayo.
Her toes too are bleeding. Napangiwi siya." Boss!wala dito" dahil madilim hindi siya nakita ng lalaki. Mabilis niyang itinuloy ang pagtakbo. Kinakabahan man, she strive to get in the car.
" Ahhh!" bumangga siya sa isang bulto ng tao. God'! Itinaas nito ang kamay at niyakap siya.
" Kris..it's me" si Pio.
Tinatalo siya ng lakas ng kabog ng dibdib. Napaatras siya. Bakit narito si Pio? Bakit alam ng mga taong iyon na nandoon siya.
Pio noticed her doubt, ngunit bago pa man siya makatakbo hinawakan siya nito at hinila patungo sa kotse niya.
" Pio.." umiiyak na saad niya, she's so scared.
" Sakay" saad nito.
" Pio..huwag mokong sasaktan." nagmamakaawang saad niya. Hinila siya ni Pio at maingat siyang pinaupo sa passengers seat.
" Susi" saad nito. Nag aatubili niyang ibinigay ang susi dito. Pio's face..napakaseryoso nito, he looks like a real man, dangerous man , hindi din niya mabasa kung ano ang iniisip nito.
" Pio..maawa ka sa akin, don't hurt me.." umiiyak na saad niya but Pio drive the car instead.
........
" Kris...anak.." unti unti ng nagkamalay ang ama ni Kris. Tinatawag ang pangalan niya, he's in pain.
" Gising na po pala kayo" anang nurse na kasalukuyang nagbibigay ng IV meds.
Ngumiti ito.
" Saglit lang po at tatawagin ko yung doktor" tumalikod ito at nagtungo sa station. Muling ipinikit niya ang mga mata dahil sa nanghihina pa, gawa ng matinding pakikipaglaban kay kamatayan. He can't barely accept kung sa nag iisang anak niya nangyari iyo.
Kris had gone enough, tama na ang mga pagdurusa nito. Hangga't kaya niya itatago niya ang sekretong iyon hanggang hukay.
He saw his daughter crying, telling him sorry. He love her so much. Pero hindi niya kayang magrespond,tanging pagkurap at pagtulo lamang ng mga luha ang sagot niya dito.
Muli niyang ipinikit ang mga mata at inalala ang mga nakaraan.
Napakamasayahing bata si Kris, may pagkatuso pero matalino. Kabaligtaran ngayon, our story made her tough, so enough to turned her back for him. Wala siyang ibang minahal kundi ang ina nito. At ang nag iisang anak niya. Pero siya, hindi minahal ng asawa.
He did everything to make her happy, to provide what a father can give. He never regret forcing his wife marrying her. Pero napuno na din siya, and left them. His wife was a good actress, nakuha niya ang simpatya ng anak, pero bigla itong namatay, he didn't know she have heart problem. He wanted to do investigation pero macoconfuse at magagalit lalo ang anak niya.For Kristianè her mom is a Saint.
Ilang beses din niyang binabalikan ang asawa ngunit sarado na talaga ito. Kristianè hate him too. Wala siyang minahal at wala din siyang ibang first love kundi ang ina lamang ng anak.Five years ago, he's drunk, nakipagsabayan siya sa init ng ulo ng asawa, he hit her, at noon nakita ni Kris.
She didn't know enough. Hindi din siya sumama sa ibang babae tulad ng paniniwala ni Kris. Twenty five years of agony, too long enough to end everything, ayaw na niyang sirain pa ang imahe ng asawa just to claim Kristianè's pity, tama na yung nakita niyang umiiyak ito dahil ayaw siyang mawala.
Suddenly he felt a sharp pain in his chest, at nahirapan na siyang huminga.
He gasp for air.
" Youre dead." boses ng babae ang narinig niya. He opened his eyes. Ang babae at lalaking nagkadena sa kanya.
" Kayo?" hawak niya ang dibdib at pilit na inaabot ang call bell. Ngumisi ang lalaki." Bakiiit?" nabigkas niya. Tumawa lang ang babae.
" Don't kill my daughter.." Isang malalim na paghinga ang huling buhay ng ama ni Kristianè.Slowly he closed his eyes, thinking of her daughters face. He wanted to tell her how much he love her, how much he misses her, at gusto niyang makaatend sa kasal nito.
But its fading...
Lahat ng pag asa niya'y nawala......
" San..san moko dadalhin Pio..?" nanginginig na siya, kanina pa siya hindi kinikibo ni Pio. Galit ang hitsura nito.
" Pio" napaiyak siya. Nilingon siya ni Pio at marahang hinawakan ang kamay niya. Dinala iyon sa mga labi nito.
" Kris..calm down please.." nakatutok pa din sa daanan ang mga mata nito.
" You're not gonna hurt me?" Umiling si Pio. Matulin padin ang pagpapatakbo nito.
" Hindi ka..ba kasali, sa kanila?" untag ulit niya. Napalingon sa kanya si Pio.
" Alam ko kelangan mo ng yakap ko pero kelangan nating lumayo, come.." inakbayan siya nito at napasiksik siya sa katawan nito.
" I love you,." Ipinikit niya ang mga mata.
" I love you too Pio."....
Tink: thank you po sa likes and comments..
BINABASA MO ANG
My Boyfriend And His First Love
RomanceBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...