Chapter 2

2.4K 50 0
                                    

My Boyfriend And His First Love
By: tink

◦°˚◦°˚CHAPTER 2◦°˚◦°˚

◦°˚◦°˚The Past◦°˚◦°˚

Kriinngggg!!!!

" Yes.."

Madaling araw palang tumutunog na ang telepono niya.

" Hi doktora goodmorning this is nurse Mateo from ICU department...magrerefer lang po ako."

Kumunot ang noo niya. Two o'clock in the morning ngrerefer na sila, yun ang kinaiinisan niya sa pagiging doktor, she have no definite time of sleep, always on the go.

" Ano yun, Mr. Mateo?"

Bumangon siya. Ang pasyente niyang naroon ay status post craniectomy. Isa itong may edad ng lalaki, where she needed to create a hole in his skull to evacuate blood clots.

" Tumataas po ang HR niya dok, nasa 100-125 as of now, yung ECG-"

" Teka nga????wala ba kayong residente at ikaw ang nagrerefer?bakit sakin mo nirerefer about jan sa heart rate na yan? Im the surgeon!"

Naimagine niya ang hitsura ng nurse, ilang beses ng ginagawa to, uminit ang ulo niya.

Mabilis siyang nagsuot ng scrub suit at mabilis na nagtungo sa hospital.

Pagdating niya sa ICU pilit na tinutubuan ang paayente niya.

" Whats happening?" saad niya.

Ang nurse na kanina'y kausap niya ang ng chechest compression sa pasyente at ang isang nurse pa ang nag aambu bag(artificial para maforce ang pagpasok ng oxygen sa bunganga at ilong). At ang isang doktor ay naglalagay ng tubo the patient is now unconscious, flat line o asystole na ito. At ang oxygen saturation o oxygen sa katawan ay mababa nasa 60%.

" Dok..." nagpapasaklolo ang residente.

Lumapit siya at nagsuot ng face mask at gloves.

" Suction please.." kumuha siya ng ET o endotracheal tube at laryngoscope upang ipasok ang tubo.

Surely she did it easily.

" Cycle epinephrine nurse Mateo, continue bagging"

She checked the patient.

" Stop!" pinakinggan niya ang heartbeat nito. At meron na nga.

Tumaas na din ang oxygen saturation nito.

" Dok ilalagay na ba sa mechanical vent?" saad ng nurse habang ngbabag.

" Ikaw kung gusto mong mag ambu bag magdamag okay lang.." sarcastic na saad niya.

Restored.

Huminga siya ng malalim.
She remembered her mom.

Ganito din ang hitsura ng mommy niya noon.

*Flashback*

" Mommy okay lang po ba ang damit ko?"

She asked her mom. Graduation noon. Ofcourse dapat siya ay maganda para hindi halatang iniwan ni Pio at maging proud pa ang mommy niya dahil siya ay Cum Laude.

Hindi siya excited medyo lang, she's proud too despite sa mga paghihirap niya nakamit niya iyon.

At dahil siya lang ang may mataas na nakuha sa College of Medicine she was given a chance to give address.

Hindi umimik ang kanyang ina, nakamasid lang ito sa kanya.

Nakangiti at may bahid na luha sa mga mata.

My Boyfriend And His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon