c22
My Boyfriend and His First Loveby: Tink
" Bitiwan mo ako Gio!!!" sigaw niya at pilit na itinutulak si Gio.
Gio. Ang asawa ng kanyang half sister, si Lian. Ang anak ng daddy niya kay Mrs. Zamora.
In the middle of the night bakit naroon ito?.
" Kris sumama ka sa akin.." pilit siya nitong hinihila, her backpack stuffs were scattered, at ang laptop niya ay basag, nahulog ito ng itinulak niya si Gio.
Gio was desperate enough to capture her, sapilitan siyang hinihila, like pulling animals.
Nasusugatan ang kanyang hita at paa dahil sa paghila ni Gio. Si Gio, ang itinuring niyang kaibigan at kapatid. Ang gagawa nito sa kanya.
" Gio..." umiiyak na saad niya, napapasigaw siya sa tuwing sasayad ang katawan niya sa matutulis na bato.
" Please maawa ka.." nanghihina ng saad niya, sana tiniis na lamang niya ang pagtakbo at sumunod kay Luis..in Luis arms she's secured.
Hindi siya naririnig ni Gio, nakangiti pa ito.
Wala ito sa tamang pag iisip, ginawa siyang sako at basta na lamang hinihila.
Sana man lang binuhat siya, again ayaw niyang mamatay na pangit.
Kinagat niya ang kamay ni Gio, napatigil ito at isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya.Napahawak siya sa pisngi at umiiyak na tumingin sa mukha ni Gio, kahit sinag lang ng buwan, nababanaag niya ang hitsura nito, he had red eyes, matalim din ang mga ito.
Akma siya nitong sasampalin ulit ngunit sinipa niya ito sa paa. Tumayo siya kahit mahapdi ang paa niya, pinilit siyang lumayo kay Gio, ngunit hindi pa niya naaapak ang paa niya nakuha na agad ni Gio ang kanyang buhok, hinila palapit dito." Tatakas ka pa!" hinigpitan pa nito ang hawak sa ngayon pixie cut hair niya.
" Nasasaktan ako Gio..please let me go.."
Presence of mind. Kahit nasasaktan na, at kahit hindi na niya makita ang paligid dahil sa luhang naguunahang pumatak sa kanyang mga mata, pilit pa rin siyang lumalaban.
Her senses was about to sink, ngunit pilit na linalabanan ang sakit, kinaya niya alang alang sa katotohanan.
Nag iba ang hitsura ni Gio, the old Gio appeared, lumambot ang hitsura nito, at binitawan siya.
" Kris..." mahinang saad ni Gio.
Parang nagising ito sa pagakakatulog.The friend she ever thought was about to kill her. Binitawan siya nito, but she cannot move due to pain. Her legs sore, mdaming abrasions at deep wounds, dala ng pagkakaladkad sa kanya.
Masakit man, hindi niya ipinakita dito na nanghihina na siya.
" Why..?" sumbat niya sa kaibigan.Gio stepped back.
" Im sorry.." hawak ni Gio ang ulo, umiiling ito at palakad lakad ito sa harap niya.
"Nangako ako..na pa"
" Itaas ang iyong mga kamay!" isang nakaunipormadong pulis ang lumabas mula sa kakahuyan.
May mga iba pang tao na naroon, but she cannot move to save her friend Gio.
He's not in his real mind, she thought.
" Gio put down that gun.." si Mrs. Zamora.
Kahit anong paki usap ng mga ito, tulala na si Gio.
" Im ruined mom, patawarin niyo ako..ihingi niyo ako ng tawad sa asawa ko..minahal ko siya..nabulag ako..kay Sheena..Im sorry.."
BINABASA MO ANG
My Boyfriend And His First Love
RomanceBABALA: Ang kwentong ito ay kathang-isip lang ng may-akda at hindi hinango sa tunay na buhay o karanasan. Anumang pagkakahawig sa ibang akda, sa pangalan ng mga tauhan, buhay man o patay, sa mga lugar at mga pangyayari sa kwentong ito ay nagkataon l...