Chapter 28

1.1K 15 0
                                    

28
My Boyfriend and His First Love
by:Tink

Tumingin siya kay Luis, she evade his grasp, ayaw niyang lumuha, ayaw niyang manghinayang.
Pseudo relationship, neither sila, neither break up. Walang kasiguraduhan.

" Ang sabi ko, sa akin hindi ka ba magpapaalam?" may halong sarcasm na saad ni Luis.

Tinaasan niya ito ng kilay.

" Well, goodbye Luis." walang emosyong saad niya.
Wala siyang karapatang magkaroon ng happy ending.
Hindi din siya sigurado kay Luis, kung mahal siya o hindi.

" Goodbye?huh!!ang galing naman, you didn't even say thank you muntik ka ng mamatay para sa akin, thank you kasi iniligtas mo ako.!" naiinis na wika nito. His temper is about to explode.

Pero siya kalmanteng minamasdan si Luis, may mga bagay na kailangang talikuran, may mga bagay na kailangang ibaon sa limot.

" Thank You Luis for saving my life, thank you for risking your life for me."

''Damn!" mura ni Luis, he wanted to hear something, he wanted to be with her, forever. Being like this is a big shit.
Halos sabunutan na ni Luis ang buhok, nanggigigil ito, kay Kris, gusto nitong durugin si Kris sa yakap nito, lunurin sa pagmamamahal nito.
Ngunit ang hirap abutin ni Kris.

" Tara na Aling Josie.." wika niya, a moment more she would lose herself.

" No.." usal ni Luis, habang lumuhod ito sa kanyang harapan, their eyes met, kitang kita niya kung paano ngumiwi ang mukha nito, sa kabila ng sakit na nararamdaman, nakuha nitong lumuhod.
How she want this man.
How she wish she have the guts to tell him what she feel, pero ngayon, ayaw niyang magsalita, ayaw niyang umiyak, enough for the distress.
Enough, its too much.

" Your so cruel!...para akong isang yoyo, ilang ulit mo man ako itapon, ihagis, apakan babalik at babalik ako sa kamay mo.."
Seryosong saad ni Luis, he have to try, ayaw niyang lumipas na naman ang mga taon na hindi nasabi ang nararamdaman kay Kris.

" Common! Get real!no man will ever take a woman without uterus!, ano pang aasahan mo sa akin, wala na akong matres, baog na ako forever!" inilapit ni Kris ang mukha niya kay Luis, gusto niyang marinig mula dito ang salitang mahal kita.

Mahal kita..yon lang, and her heart will be shaken. Umaasa siyang may isang taong magpapahalaga sa kanya, isang taong kahit may kulang sa pagkatao mo, iintindihin at tatanggapin ka pa rin buong buo. So be it, walang perpektong tao, dahil lahat nagkakamali.

" Sabi ni Twinkle, partial lang hindi naman tinanggal ang tut..mo" parang batang saad ni Luis.

Napabugso siya ng hangin. Luis is the King of kakulitan.

" Sino ba OB ko?siya ang surgeon ko, kanino ka maniniwala sa may katawan o sa doktor?" minulagatan niya ng todo Luis.

" Eh kanino ako maniniwala doktor kayu pareho." iginalaw galaw nito ang katawan, wari'y nangangawit na sa pagkakaluhod.

" UhhhhhGgg!" naiinis na siya. Kahit ilihis niya ang usapan, nahuhuli siya ni Luis.

" Well sabi ko wala na akong bahay bata, Im useless now, wala na din ang baby natin, wala na tayong connection" humalukipkip siya.

She's trying to annoy Luis pero ang resulta siya mismo ang naiinis.

" Connection?bakit kailangan ba ng antenna o satellite?..eh ano ngayon kung wala ka ng uterus?kahit wala ka pang balun balunan, o kahit konti lang utak meron ka, MAHAL KITA fifteen years ago, mahal kita kahit isa ka pang Psycho..God nasabi ko din!" pinunas nito ang kanyang mga pawis.

Natigilan siya. Iyon mismo ang gusto niyang marinig , she wants assurance..

Hindi niya napigilan ng pagbalong ng mga luha niya, mahal siya ni Luis, and he cares that much, kahit pa nasa bingit ito ng kamatayan, babangon ito upang iligtas siya.

My Boyfriend And His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon