Chapter 11

1.3K 31 0
                                    

Tink: aye andito na si Papa Luis :)

My Boyfriend and His First Love

By:Tink

◦°˚◦°˚CHAPTER 11◦°˚◦°˚

" All instrument,sponges and needles are counted complete!" sigaw ng instrument nurse sa loob ng Operating Room, seven straight hours na nakatayo.

Ang mag ina, sina Hannah at Portia they were safe.

Kay Portia siya nakatutok, she meticulously inspected every veins and arteries. Walang siyang itinirang ruins ng liver nito.

She's closing now. Siniguro niyang pantay pantay at maganda ang stitches ni Portia, she love this kid.

" Haaay natapos din walang umeksenang katoxican." si Sheena, nasa washing area na sila at nagtatanggal ng gown.

Hindi siya kumibo bagkus nagsabon ng kamay.

" Labas naman tayo kasama sina Toti."

Halatang may crush ito kay Toti.

" Kayo nalang, mag iistay ako to monitor Portia, wala din naman akong uuwian."
pinunas niya ang kamay at kinuha ang chart.

" Maintain at Mechanical Ventilator, continue medications, monitor every 15 minutes, at cardiac monitor okay?beep me if theres unusual signs." saad niya.

Naghihikab siyang nahiga sa OR rest area.

" Are you alright?para kang timang, naninibago naman ako sayo hindi ka nambubulyaw ha?" si nurse Patty, Head Nurse ng OR.

Ngumiti siya.

" Timang talaga ha ate Pat, sawa na ako sa kabubulyaw, see it went well kahit hindi ako nagtapon ng mga instrument kasi alam ko kayong mga nurses mahilig umilag"

Natawa si Nurse Pat.

All these years naging bad doctor siya, ni hindi siya nilalapitan ng mga katrabaho, siya lang, at tanging si Sheena ang nakakapasok sa mundo niya.

Napapagod na rin siya sa kaiiwas sa bagay na matagal na dapat kinalimutan.

Ang mundo ay patuloy na umiikot, why stop walking?

Ngumiti siya..at ngumiti pa ulit hanggang sa tumawa na siya.

" Kris.." nagaalalang saad ni Sheena.

She sighed habang ang mga tawa niya'y napapalitan na ng luha.

Sheena embraced her.

" I just realized, I was left behind. Nakita ko si Pio, I heard him sing, and..."

Yumuyugyog ang balikat niya.

Umiiling siya.

Sa panahong sila ni Pio, inamin ng huli na hindi siya kundi si Kathlyn ang Unang Mahal nito. Sa makatuwid, si Kathlyn parin.

Bakit hinahabol pa siya ni Pio?para saktan?para paasahin? Para kapag nagtiwala ulit siya bigla na lang iiwan?.

" Tama na Kris.."

Tumango siya, oo tama na, Pio got everything while she got nothing. Its time to get even o hahayaan na lamang sila?.

Lumabas siya ng hospital at naglakad lakad sa pathway. Matagal na niyang hindi ginawa yun. Iba iba ang mga taong nadaraanan niya, mula sa kinaroroonan niya nkikita niya ang araw na papalubog, noon kasama niya si Pio na umaakyat sa attic nila mapanood lamang ang haring araw.

Natigil siya sa pagbabaliktaaw ng tumunog ang cellphone niya.

" Dra. Serrano, nag aarrest po si patient Zamora" saad ng nurse.

My Boyfriend And His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon