Chapter 26

1.1K 22 0
                                    

c26
My Boyfriend and His First Love

by: Tink

" Sheena.." nanginginig ang boses niya,kahit ganun nanatili pa din ang presence of mind niya.

" F..k you Kris!galit ako sayo, at sa pamilya mo!" malutong na sampal ang natanggap niya mula dito.

Gustuhin man niyang sumugod kay Sheena, nanghina siya, at napahawak sa tiyan, she can feel her button, at naluha siya, sana Lord walang mangyaring masama sa anak niya.

" You were my friend.." mahinang saad niya. She cannot imagine how her friend turned to be her enemy.

She treated Sheena more than that, and she did trust her like Jesus trusted his disciples. Pero..

Tuluyan na siyang lumuha. Hindi niya nais makita ang mukha nito, her eyes...makintab at nanlilisik ang mga iyon.

" I was, your friend"

Pinilit niyang tumayo, but with Sheena's strength hinila siya sa buhok, pilit na kinakaladkad patungo sa likod ng bahay.

Ang clinic.

Naglakad siyang nakayuko hawak ang tila nakataling mga kamay ni Sheena sa kanyang buhok. No matter how hard she try to be free with those grasp, mas malakas si Sheena.

" Sheena.." umiiyak na saad niya.

Kahit gaano ka pala katapang, susurrender ka sa dami ng pagsubok.
Right that moment hindi niya alam kung may lakas pa siya, thinking of the days with her friend, lalo siyang naiyak.

Oo, gaga siya, pero that's for her sake, para magkaroon ng confidence sa trabaho, kung anopa ang ikinagagalit nito, hindi niya alam.

Mabilis nitong binuksan ang pintuan, at tumambad sa kanyang paningin si Kathlyn.
Napamulagat siya.

" Kath.."

Hindi niya alam kung buhay pa si Kathlyn, the last thing she knew hindi na ito gumagalaw. Nakatali ito sa kama, payat at basang basa ng pawis.

The scent..parang amoy ng mga likidong nag lileak, mga likidong currosive sa katawan.

Natatakpan ng buhok ang mukha ni Kathlyn, she cannot breath though. Inilibot niya ang paningin sa paligid, there were surgical equipments na wala dati, napasinghap siya.

God anong gagawin ni Sheena..

" Huwag kang mag alala tulog lang iyan, sa tingin ko hindi na sila mgkikita ni Pio.." humalakhak pa si Sheena.

Hindi niya makita sa kuwarto si Pio, he must be somewhere.

Napansin niyang may tumutulong dugosa bunganga ni Kathlyn, agad niya itong nilapitan at inalalayang iside ang ulo nito. Inayos niya ang buhok, at pag angat niya sa may buhok, the hair fell off together with the scalp.

" Oh God!" napaigtad siya, what happened, hinila niya ang buhok nito para maaliwalas at mahanginan but then maybe the chemical she had smelled.

Tumatawang hinila siya ni Sheena, at isinalya sa surgical chair, mabilis siyang itinali nito, naglabas pa ng IV cannula at dextrose, and she created an Intravenous line.

" There, its patent..mamili kang paraan ng pagpatay na gusto mo.." walang sabi sabing hinila siya nito.

" Sheena nasasaktan ako, please maawa ka,."

Kahit anong paki usap niya ayaw makinig ng kaibigan.

" Here is the medicine.." si Uncle Peter ang nagbukas ng pintuan.

Hindi na siya nagulat.

Nakangiting lumapit si Uncle Peter.

" Kristianè hija" tumawa ito.

My Boyfriend And His First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon