Scarlett Aria Garnier's POV
Well, ya. Plano ko yun. Pero hindi ko alam na aabot pala yun sa ganun. It's my fault haaay,
Naglalakad kaming lahat ngayon sa hallway. Papunta kase kami sa mga klase namin. Sa taas yung klase ni Jin at Yoongi tapos yung natira, dito na sa baba. Magkaklase kami ni Jeign kaya, sabay kaming pumunta doon. Medyo malayo pa yung room namin kaya yung iba umalis na dahil nakarating na daw sila sa room nila.
Mas gusto ko pa yung room namin nung andun kami sa Pilipinas. Yung iisa lang yung room namin. Yung magkakaklase kami. Yung hindi nabubura yung saya. Kaso, magkaiba kami ng levels eh.
Nang nasa tapat na kami ng room 256, nagpaalam na ako kay Jimin, Ate Rissa, Yanna, Syre at Rai dahil iba ang klase namin ni Jeign. Hinawakan ko ang pihitan ng pinto nang makita ko sa gilid ng mga mata ko na sila Jungkook at Taehyung na nakatayo sa likod namin ni Jeign. Bakit andito pa sila? Di ba may klase pa sila?
"Open the door na." Pagmamadali na sabi ni Jungkook.
"Bakit kayo andito? Di ba may klase pa kayo?" Tanong ko sa kanila. Baka naman kase malate sila. May hatid-hatid pa silang nalalaman jan.
"Uhh, dito ang room namin?" Sagot ni Taehyung.
Wait, dito rin ang room nila? Edi ibig sabihin, magkaklase kami? Yes! Pero mas okay kung lahat kami ay magkaklase.
"Ahh ganun ba? Akala ko ihahatid niyo lang kami eh." Sagot ko at pinihit ang doorknob.
Pagkabungad ko sa klase namin, lahat ng studyanteng nandito ay nakatuon lamang ang kanilang mga paningin sa amin. Yung iba kinikilig kase nakita nila sila Taehyung at Jungkook syempre lalong lalo na yung mga babae.
Napapansin ko yung mga lalaki, kakaiba yung pagtingin nila sa akin. Siguro naman ganun din yung pagtingin nila kay Jeign. Hayaan niyo na. Sanay na ako diyan. Maganda kase ako eh ;)
Naglakad kaming apat patungo sa aming naka-assign na upuan at buti na lang na nasa likod lamang namin ang dalawang lalaki. Dumating na ang guro namin tsaka na inumpisahan ang klase.
______________
Tumunog na ang bell at ito'y sumisimbulo na oras na upang kumain. Sabi sa amin ni Namjoon oppa na magkita-kita daw kaming 13 sa canteen.
Yup 13 na kami. Di ba noon 11 lang kami? Eh may nadagdagan pa na 2 eh. Sino yung mga yun? Si Syre at Rai.
Yung ibang studyante, nauna na at ang naiwan na lang ay kaming apat. Andito pa kami kase inaantay ako ng tatlo na tapusin ko ang pagliligpit ko. Mabagal akong magligpit eh.
"Bilisan mo naman, bb." Tugon ni Jeign dahil sa inip.
"Mag-antay ka. May date ka ba?" Sagot ko.
"Wala pero may nagaantay sa atin sa canteen." Sagot niya muli.
"Talagang mabagal siyang magligpit o binabagalan lang niya?" Tanong ni Jungkook.
"Mabagal talaga yan." Sagot ni Jeign.
'Tong mga 'to, binibilisan na nga ng tao magrereklamo pa. Sila kaya magayos ng mga gamit kong punong-puno ng papel tignan ko lang kung matatapos nila agad. Kakainis din kayo eh 'no?
"I'll help." Sabi ni Taehyung at lumapit sa akin.
Oh 'yan! Buti pa si Taehyung tutulungan pa ak--- Tutulungan?! Nako nakakahiya! Shems 'wag na!
"Ay hindi na 'wag na." Sabi ko ng medyo nahihiya. Medyo lang naman.
Hindi sumagot si Taehyung ngunit hawak niya ang mga gamit kong ilalagay sa bag. Haaaay, wala akong magagawa. Gusto niya eh. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong lalaki. Well, si Rai hindi ganun na katulad ni Taehyung.
YOU ARE READING
You're The BangTan's Princess Book 2: Road To Fame
FanfictionAfter she found the 7 boys, they are so happy when they knew her answer. The boys help their princess to be prepared to be seen in public, concerts, music videos and for their dances. Meanwhile, a teenager girl was jealous about her so, she think of...