Scarlett's POV
Sa pagdating na pagdating namin sa base nila, pumwesto na agad yung mga police sa mga pwesto na sinabi ni Namjoon sa kanila. Nang handa na sila, nag-'okay' sign na sila sa akin at yun na ang go signal ko. Naglakad ako sa loob at ang atensyon ng mga guards ay nasa akin. Yung dalawa, lumapit sa akin at tinanong ako,
"May kasama ka?" Tanong nung isa.
"Wala." Sabi ko habang nakapoker face para magmukha akong seryoso sa kanila.
Tumingin sila sa paligid just in case na nagsinungaling ako at kinuha nung isa yung radyo niya. Habang nagmamatyag sila, tahimik na pumasok sa loob sila ate Rissa, Jungkook at Yanna at tahimik nilang pinabagsak ang iba pang guards na nasa harapan ko. Matapos nilang pabagsakin, tahimik silang lumapit sa mga dalawang gwardya na nasa harapan ko.
"Boss, andito na siya." Sabi niya nang nakatingin sa akin yung guwardya.
"Copy." Sagot ng isa sa kabila.
Pagkatapos niyang marinig ang sagot, sinabi niya sa akin kung nasaan silang dalawa at tsaka na nila pinabagsak yung dalawang guard. Yung mga sniper, tahimik nilang na take down yung mga guards kaya safe na ako. Umakyat na ako sa level ng building na yun at hinanap ang kuwartong saan ko sila matatagpuan habang yung mga police ay pumunta na sa susunod nilang puwesto.
Nakita kong tahimik na nakatali si Taehyung sa isang upuan. Natutulog ata siya. Yung mukha niya may mga 4 na pasa. Hindi niya deserve 'to. Matapos hindi ko sagutin si Junho.
Tumingin muna ako sa paligid kung may tao ba at linapitan siya. Linagay ko yung bulletproof vest sa kanya at tinanggal yung mga tali sa paa't kamay niya.
"Taehyung? Taehyung si Scarlett 'to. Please gumising ka na. Umalis na tayo dito." Sabi ko habang inuuga siya. Mga ilang uga pa ay nakadilat na siya.
"S-Scar?" Tanong niya.
"Oo ako nga Taehyung. Tara na bumangon ka na at umalis na tayo dito." Sabi ko at tinutulungan ko siyang tumayo pero ayaw niya.
"Taehyung please. Umalis na tayo dito. Hindi mo deserve ang mga 'to. Kasalanan ko ito kaya dapat ako ang nasa puwesto mo, hindi ikaw. Dapat ako ang nahihirapan, hindi ikaw. Dapat ako ang sumasalo ng sakit, hindi ikaw." Sabi ko at unexpectedly, may tumulo na luha sa isa kong mata.
"No, it's okay. I understand. Hindi mo siya gusto and that's a right thing. Kung sinagot mo siya, everything will get worse. Mas mabuti pa na tinaggi mo siya kesa sa sinagot mo siya kung yung sagot mo na "mahal din kita" ay peke. Fake Love." Sabi niya ng dire-diretso habang pinunas niya yung luha ko gamit ang hinlalaki niya.
"Awwww, how romantic. Sana ganyan ka din karomantic sa akin soon, babe." May biglang nagsalita sa likuran ko. Napatayo ako at linagay ko sa likod si Taehyung.
"Junho, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo? Hindi nga ikaw ang para sa akin." Sabi ko begging for freedom.
"Pero ikaw ang para sa akin." Sabi niya habang lumalapit sa akin.
"'Wag. Kang. Lalapit. Sa akin." Mariin kong sinabi.
"Trying to be a hero? 'Wag ka namang ganyan, Scar. It's too much." A familiar voice just came at nagsalita. Lumabas siya sa likod ni Junho at nagulat na lang ako sa nakita ko kung sino ang nagpakita.
YOU ARE READING
You're The BangTan's Princess Book 2: Road To Fame
FanfictionAfter she found the 7 boys, they are so happy when they knew her answer. The boys help their princess to be prepared to be seen in public, concerts, music videos and for their dances. Meanwhile, a teenager girl was jealous about her so, she think of...