Scarlett's POV
"Ang saya ng byahe." Comment ni Jeign.
"Buti na nga lang nagustuhan din nitong mga to yung koreanong mga yun eh." Sabi ko habang nasa likod kasabay si Rai tapos yung tatlo nasa unahan namin.
"Paano mo nalaman yung lyrics ng kantang yun?" Tanong ko sa kasama ko.
"Sa araw-araw pa naman na pinapatugtog ni Syre yun sa kotse eh." Sabi niya at natawa naman ako ng mahina. Si insan talaga... HAHA
"Edi ibig sabihin, naimpluwensyahan ka ng lalaking yun?" Tanong ko.
"Si Syre pa. Naawa ako sa kanya eh. Walang kasabay sa pagkanta." Sabi niya at natatawa na rin.
"May awa ka pala." Pagbibiro ko.
Naglakad siya ng medyo mabilis kesa sa normal na paglalakad kaya ginaya ko rin siya para makasabay din.
"Uy joke lang." Sabi ko.
Naglakad kami papasok ng gate at, as usual. Marami pa ring mag-aaral ang bumabati sa akin.
"Guys!" Tawag ng isang grupo habang kumakaway.
Lumapit kami sa kanila para naman maging kumpleto naman na. Yung bangtan nga pala yung tinutikoy ko.
"Ready na ba kayo?" Tanong ni Namjoon oppa.
"Oo"
"Syempre"
"Kami pa?"
"Tss.. Basic lang yan"
"No."
Nagsitigil sila sa mga sinasabi nila at tumingin sa akin.
"Seriously, Scar? Ikaw nga yung palaging nakakasagot sa review natin kahapon tapos di ka pa ready?" Sabi ni Syre.
"Oo nga." Pagsang-ayon ng iba.
"Nape-pressure kase ako. Lalo na't today is the day na magkakaroon na tayo ng exam." Sabi ko.
"Well in that case, let the pressure go. Magfocus ka lang sa test and think positive." Advice sa akin ni Taehyung.
Nginitian ko lang siya dahil sa advice na binigay niya sa akin.
*kriiiiiiiing*
Tumunog na ang bell kaya mas lalo pa akong kinabahan.
"Tara na guys!" Yaya ni ate Rissa.
Naglakad na kami papunta sa mga klase namin. Kaya habang naglalakad kami, unti-unting nababawasan ng myembro ang grupo. Pero ang swerte ko kase apat yung kasama ko.
Pagbungad naming apat sa klase namin, mas lalo pa akong kinabahan. Nakahiwalay ang tables and chairs. You know? One space apart.
"WAAAAAAAAH BAKIIIIIIIT? MATOTOPLAKAN KO YUNG MGA TEACHER DITO!!!" Sigaw ko sa isipan ko.
"Scar," sabi ni Jeign at nagsnap siya ng kanyang mga daliri sa mga mata ko. Nabalik ako sa realidad matapos gawin niya sa akin yun.
"Okay ka lang? Tara na." Yaya niya.
Tumango ako at pumasok na kami sa room. Umupo ako sa upuan na kung saan ako inassign pero still kinakabahan ako. Kahit katabi ko si Taehyung, MAS LALO pa akong kinakabahan.
Nasabi ko na ba sa inyo? Bawat upuan, may nakalagay na pangalan namin tapos yung iba, linalagyan ng mga pictures or design yung upuan nila. Akin, linagyan ko ng mga stickers ng bangtan yung upuan ko. Yung iba may pictures pa. Yung wallet size.
YOU ARE READING
You're The BangTan's Princess Book 2: Road To Fame
FanfictionAfter she found the 7 boys, they are so happy when they knew her answer. The boys help their princess to be prepared to be seen in public, concerts, music videos and for their dances. Meanwhile, a teenager girl was jealous about her so, she think of...