Chapter 22: Oh no....

249 10 4
                                    

Jeign's POV

"HAPPY BIRTHDAY, JEIGN!!"

Hindi ko na pinigilan. Hinayaan ko na yung mga luha kong tumulo. Akala ko nakalimutan nila, yun pala hindi. Pinatunayan nila na mali ako.

"Halaaaaa unnie, wag ka nang umiyaaaak." Sabi sa akin ni Scarlett yonakap niya ako. Tumawa naman ako habang umiiyak. I know right? Baliw na ako eh.

Ginaya kami nung bangtan hanggang sa nag-group hug na kami. Mga timang HAHAHA.

"Akala ko nakalimutan niyo eh." Sabi ko habang sumisinghot.

"Bakit naman namin makakalimutan ang birthday ng maliit na member?" Pangaasar sa akin ni Kookie. Sinipa ko siya ng mahina. Sa may bandang paanan niya.

"Oh tara bilis kain na!" Sigaw ni Jimin. Masaya kaming pumunta sa long table nang sinerve ni Jin yung pagkain ko. Pinasalamatan ko siya nang linapag na niya yung pinggan kong may carbonara. My favoriiiiiiiiiiiite!!

Agad kong tinikman at ang resulta, 100%. Masarap siya.

"Sino nagluto nito?" Tanong ko.

"Si Jin hyung." Sagot ni RM.

"Nagustuhan mo ba, Jeign?" Tanong ni Jin out of nowhere.

"Syempre naman, oppa. Mother ka namin eh." Sabi ko at yinakap siya.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko sa carbonara habang kumukuha sila ng pagkain nila. Naunang natapos si Scar tapos umupo siya sa tabi ko.

"Maganda ba surprise namin?" Tanong niya.

"Okay lang..." Sabi ko.

"Tss.." Sabi niya.

"So, kamusta ang samahan niyo ni Ultimate Bias Wrecker kanina?" Tanong niya sakin habang iniikot niya yung pasta niya gamit ang tinidor.

"Masaya." Tipid kong sagot at sumubo ng carbo.

"Anong masaya ka diyan, alam kong may iba pang expression diyan." Sabi niya at tsaka siya nagpout.

"Basta." Sabi ko nang bigla akong ginugulo ni Scar at umupo sa tabi ko si Kookie.

"Ishare mo naman ohhh..." Sabi niya. Pinadilatan ko siya ng mata ko kase nandito si Kookie.

"Jebaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal??" Hay nako, itong babaeng 'to.

"Anong nakalagay sa kuwintas?" Tanong niya at ako naman, agad kong tinakpan.

"Patingin ako." Sabi niya habang inaalis yung kamay ko sa pagtakip sa kwintas.

"Bilis na, arte mo." Sabi niya kaya ako, hinayaan ko na.

"Ang ganda naman." Sabi niya habang pinagmamasdan yung kuwintas ko.

"Anong meaning ng JEM?" Tanong niya. Sabi na nga ba eh.

"Full name ko." Sabi ko.

"Ang cooooool!! Lalo na't may heartpiece pa dito. Sino kaya ang may hawak ng isang piece?" Sabi niya at sinimulan niyang tignan pa ng mabuti. Napalunok ako sa sinabi niya dahil sa kaba. "San mo binili? Papagawa nga ako niyan."

You're The BangTan's Princess Book 2: Road To FameWhere stories live. Discover now