Chapter 12: Review

304 7 0
                                    

Scarlett's POV

"Sure ka na okay ka lang?" Tanong sa akin ni Jeign.

"Alam mo, 1000983739263930th time mo nang tinanong sa akin. Di ka makamove on teh?" Sagot ko pabalik.

Nandito na nga pala kami sa bahay ni Jimin. Eh ngayon, ng dahil sa kadaldalan ng maingay na bunganga ng magaling na Jeign, ayun. Kinuwento niya lahat ng nangyare kanina kay Yanna.

"Bwiset kase yung babaeng yun. Kala mo kung sinong maganda. Eh mas maganda pa si Scarlett dun eh." Comment naman ni Yanna.

"At bakit ako nanaman?" Tanong ko.

"Ayaw mo? Ikaw na nga yung pinupuri tapos ayaw mo pa. Gusto mo bang ipasa ko na lang kay Soojin?" Masungit na sagot ng eomma ko.

"Bakit ayaw mo ipasa sa akin? Available ako oh." Sabi naman ni Jeign.

"Kase panget ka." Swag na sabi ni Yanna.

"Awwwww... Sadjao." Sabi namin ni ate Rissa ng sabay.

(A/N kapag bad, BADjao. Kapag Good, GOODjao. Kapag sad, SADjao. Kapag Glad, GLADjao. HAHA LOL credits sa magaling kong teacher!😂)

"Grabe kayo :<" sagot ni Jeign with a matching sad face.

"Ano bang pangalan ng palakang yun na tinuyukoy niyo?" Tanong ni Soojin na kababalik lang kasama ang isang tray na baso at pitsel na may lamang juice.

"Ah yun? Tsk. Brianna." Sabi ni Jeign.

"ANO?!?" Sigaw at gulat na tanong ni Soojin. Nagsasalin siya ng juice sa baso pero nung nalaman niya na si Soojin yun, natapunan ako ng juice.

"Eonnie!?" Sigaw ko.

"Sorry beh." Sabi niya with a peace sign. "Pero di nga, nagkita kayo ni Soojin sa mall?! May ginawa ba siyang masama or anything? Sino sinaktan niya?"

"Naaalarma ka nanaman." Sabi ko.

"Eh syempre. Ang panget kaya ng ugali ng babaeng yun. Nakakasuka." Sagot niya at linagay ang buhok niya sa likod ng tenga niya.

"Sa bagay...," sagot ko at napalitan ng silence ang atmosphere namin.

"GUYS!!!" Sigaw ng maingay na sunshine.

"ANO?!!!" Sigaw naman ni Jeign habang pumapalakpak dahil sa excitement.

"Alam mo, sakanya mo ata namana yung lakas ng boses mo." Iritableng sagot ni Yanna.

"Hihi surri na." Sagot ni Jeign with a peace sign.

"Ang sakit sa tenga, hyung!" Reklamo ni Jungkook.

"Tara! Tuloy na natin yung lesson." Yaya ng leader kaya sumunod kami.

Actually, breaktime lang yung kanina. Ngayon, seryosong usapan na 'to. Review na eh. Nagmath kami ulit kase, di nila magets eh.

"Ita-transpose natin yung x dito tapos since, 2x siya, ididivide natin both side ng 2 then 6÷2 =3. So x is equals to thre-- ay shucks!!" Sabi ni Namjoon. Alam niyo yung kapag malakas ang puwersa niyo sa pagtuldok gamit ang marker, di ba lulubog yun? Ganun ang nangyare sa marker na gamit ni Namjoon.

"Hala!" Reklamo ni Jimin.

"Sorry, Chimmy. Bibilhan na lang kita ng bago. Pahiram ako ng isa pa." Sabi ni Namjoon.

"Isa pa? Sa bawat equation, sira ang marker ko dahil gamit mo. Last na kaya yan. Hyung naman eh." Sabi ni Jimin at nagtampo. Cute.

"Okay lang yan. Oh, eto na oh." Sabi ko at inabot sa kanila ang marker ko.

You're The BangTan's Princess Book 2: Road To FameWhere stories live. Discover now