Chapter 6: Boy In luv- Solo

370 13 5
                                    

Scarlett's POV

Agad akong nagbihis at lumabas na sa kuwarto ko. Hinanap-hanap ko yung tatlo kong kasama at nakita ko silang nakahilata sa sofa.

Linapitan ko sila at sinabing,

"Oi, magbihis na kayo bilisan niyo."

"Bakit?" Tanong sa akin ni Jeign.

"May pupuntahan tayo." Sabi ko.

"Saan?" Tanong naman ni Yanna.

"Sa bighit kaya bilisan niyo. Inaantay ako doon. Male-late na ak--"

"Sige sige. Tara na!" Pagputol ni ate Rissa sa sasabihin ko at agad silang tumayo.

Wala pang 5 minuto, nakababa na sila kaya sumakay na kami sa kotse. Habang nasa byahe, kinuwento ko sa kanila ang mga nangyare kahapon nung wala ako.

Sabi ko kase bukas ko na ikukuwento at pagod ako kahapon at para na rin hindi kami mabored sa byahe.

~~

Nakaabot na kami sa bighit kaya bumaba na kami. Pinauwi ko na yung driver namin kase maghihintay pa siya sa amin eh mamayang gabi pa kami uuwi at Bangtan ang maghahatid sa amin.

Nang nasa pintuan na kami ng bighit building, binati ako ng guard. Siya yung guard nung kahapon.

Dumire-diretso ako ng paglalakad ngunit narinig kong may tumatawag sa akin. Nagmumula yung boses na yun sa bandang likod ko.

Liningon ko yung taong yun at nakita ko na si Jeign, tinatawag ako. Pinahinto kase sila ng guard. Agad akong pumunta doon para patuluyin ng guard ang mga kasama ko.

"Ahh, kuya guard, mga kasama ko po sila." Sabi ko.

"Ma'am, bawal po kasing magpapasok ng mga kasama niyo kase po i-co-consider po namin silang outsider." Paliwanag niya sa akin.

"Ay! Wag po kayong magalala. Kaibigan din po sila ng BTS. Eto po oh. Picture po naming magkakaibigan. Isa po kaming grupo eh." Sabi ko at pinakita sa kanya yung litratong nakuhaan namin doon sa may bundok nung nagroadtrip kami.

"Ay ganun po ba? Pasensya na po, ma'am. 'Wag po kayong mag-alala. Tatandaan ko po silang tatlo. Sige po, tuloy na po kayo." Sabi niya at pinapasok na silang tatlo.

"Salamat po, kuya!" Masayang pasasalamat ko sa kanya at tumuloy na kami sa loob.

Sumakay kami sa elevator at pinindot ko yung floor level kung saan nagaganap yung music video ng ginagawa namin kahapon pa.

You're The BangTan's Princess Book 2: Road To FameWhere stories live. Discover now