Scarlett's POV
"Tapos ka nang magimpake?" Tanong sa akin ni ate Rissa kaya tumango naman ako.
Bukas na yung flight namin which is Thursday kaya, nagready na kami. Sinundo kami ni mommy kasama si daddy at nagdinner kaming magpamilya.
Ngayon, mga 2 bag ang dala ko. Huehue. Ang dami kase eh sorry na. Ngayon ay tanghali mga 2:35 pm na. Medyo mainit at boring kase nanonood lang kami ngayon. No fun.
Sabi nga pala nila umma (jin), hindi daw namin sila dalawin or puntahan kinabukasan kase, magpapahinga kami para sa flight namin bukas at para iimpake na daw namin yung mga gamit na dadalhin namin.
Nanonood kami ng movie pero tatlo lang kami eh. Nakita ko si Jeign nasa kusina may ginagawa. Naka-apron siya eh. Linapitan ko siya at tinignan kung anong ginagawa niya.
"Heart-shaped cookies?" Tanong ko at mukhang nagulat siya sa ginawa ko.
"Langya ka talagang bata ka. Di ka man lang nagsabi na nandito ka." Sabi niya kaya natawa naman ako. "Oo heart-shaped cookies nga."
"Cool! Pero bakit ka gumagawa niyan?" Tanong ko.
"Trip ko lang. At tsaka, malapit na rin ang valentines noh. Bibigyan ko yung ujeong." Sabi niya habang nakatingin lang sa ginagawa niya.
Oo nga noh. Malapit na valentines. Ano kaya ibibigay ko sa ujeong? Hmph. Wala namang magbibigay sa akin eh. Lol.
~~
Nanood kami ng movie kasama sila Yanna at ate Rissa habang nasa kusina si Jeign.
Tamad na kumain ako ng popcorn habang nanonood. Parang akong kambing kapag kumakain ngayon kase nga, ang boring.
8pm na at hindi pa rin tapos si Jeign? Tibay mo teh.
"Tulog na ako." Sabi ko at naglakad papunta sa hagdan.
"Goodnight!" Sigaw ni ate.
"Sweet dreams!" Sigaw naman ni Jeign.
"Nighty!" Sigaw naman ni Yanna. Hayip! Ang behshie ko lumevel up.
Umakyat ako ng hagdan papunta sa kuwarto ko. Nasabi ko na ba sa inyo na mas bongga yung kuwarto ko dito? Paano ko nasabi na bongga? Simple. May terrace.
Ang bongga pramis. Yung malamig sa gabi tapos andami pang mga bituin sa langit tapos pwede kang magstar gazing. Oh di ba bongga? Sabi ko sa inyo eh.
Back to the topic, nagbihis na ako ng damit na pangtulog ko at ginawa na ang daily routines ko. Pagkatapos ng lahat, linagay ko yung mga gamit ko sa may tabi ng pintuan. Para kapag aalis na ako, aabutin ko na lang. Pak!
Humilata na ako sa higaan ko at hinayaan ang kadiliman na lamunin ang utak ko.
~~
Gumising ako ng maaga dahil sa alarm clock ko at naligo na ng maaga. Marami pa namang oras eh.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis na ako ng pangalis ko. Kinuha ko yung sling bag ko. Linagay ko yung phone, miror, earphones, wallet, pulbo, shades, panali, passport, visa, plane ticket and other kachuchuness. Kinuha ko yung travel pillow ko at lumabas na ako sa kuwarto kasama ang maleta ko.
Nang nasa hagdan na ako, nagulat ako nang nasa hapagkainan yung tatlo. Ang akala ko kase ay pupuntahan ko pa sila sa mga kuwarto nila para gisingin pero, they prove me wrong.
"Good morning beh!" Bati sa akin ni Yanna.
"Morning!" Bati ko sa kanya pabalik at umupo sa tabi niya.
YOU ARE READING
You're The BangTan's Princess Book 2: Road To Fame
FanfictionAfter she found the 7 boys, they are so happy when they knew her answer. The boys help their princess to be prepared to be seen in public, concerts, music videos and for their dances. Meanwhile, a teenager girl was jealous about her so, she think of...