Chapter 7: Boy In Luv- Released

383 15 1
                                    

(A/N : Sabihin na lang natin na si Scarlett yung nasa MV na yan ^^^^)

____________________________________

Scarlett's POV

Nagising ako sa alarm clock ko. Buti na lang at nagising ako. Pero, inaantok pa ako eh.

Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maligo. Hinanda ang sarili at lumabas na sa kuwarto ko para kumain ng umagahan.

Habang pababa ako ng hagdan, may biglang nagnotif sa akin pero di ko iyon pinansin. Mamaya ko na titignan yung notif. May school ngayon eh.

"Good morning, ms. Popular." Bati ni Yanna at yinakap niya ako ng mahigpit.

"Good morning bebeh kong sikat." Bati naman ni Jeign at ki-niss niya ako sa cheek.

"Good morning, kapatid kong maganda." Sabi naman ni ate Rissa at nginitian ako.

Maganda? Tanggap ko yun. Popular? Pangarap ko yun. Peym/Fame? Hindi kaya. I'm still me. Normal lang.

Natawa naman ang tatlong gunggong dahil sa expression ko. Pakiramdam ko tuloy parang pinagtri-tripan nila ako. Meh. Pinagtri-tripan lang nila ako.

Habang kumakain kami, napapansin ko na maya't maya silang nakatingin sa akin. Alam ko na maganda ako. At tsaka, palagi naman nila ako nakikita ah. Araw-araw kaming magkasama eh.

"Maganda na ako okay? Nakaka-creepy kaya yung mga tingin niyong 'yan." Sabi ko at uminom ng tubig.

"Ang layo ng ganda niya sa video tapos yung ngayon." Comment ni Jeign.

Bigla naman akong napaubo dahil sa gulat.

"Anong video?" Tanong ko nang may halong pag-alala.

Syempre. Nag-aalala ako kung anong video yung tinutukoy nila. Natawa lang sila ng mahina kaya mas lalo pa akong nag-aalala.

"May video ba ako sa mga cellphone niyo or navideo-han niyo ba ako ng palihim na hindi ko alam?" Tanong ko nang nagaalala.

Tanging reaksyon lang nila ay tawa. Tawa ng tawa wala namang nakakatawa. Mga timang -_-

Matapos kaming kumain, hinatid na kami ng driver at binaba kami sa harapan ng school gate.

Bumaba kami sa sasakyan at naglakad papasok ng gate. Nang naglalakad kami nagulat ako dahil may biglang nagsalita.

"Scar" Sabi ng misteryong lalaki.

"Ay sheme!" At dahil doon, napahawak na ako sa dibdib ko.

"Ano?!" Tanong ni Rai habang natatawa ng mahina.

"Wala!" Sabi ko at inikot ang mga mata ko.

"Di ka man lang nagsasabi na nandyan ka!" This time, medyo nabu-bwiset na ako.

You're The BangTan's Princess Book 2: Road To FameWhere stories live. Discover now