Scarlett's POV
Sabado ngayon kaya walang pasok. WOOOOIIH! Ako lang pala ang may pasok :3
Saan? Bighit! 4pm dapat andun na ako. Nagsuot lang ako ng white crop top na may design na cute bunny then naka plain black jeans then white doll shoes na puti na may ribbon sa dulo. Nakalugay lang yung buhok ko. Gusto ko nga ng T-shirt na white na may logo na BTS sa harap then logo ng ARMYs sa likod.
Anyways, lumabas na ako ng kuwarto at bumaba na para salubungin ang mga kasama ko.
Nakita ko sila na nakaupo lang sa sofa habang nanonood. Si Yanna nanonood ng peppa pig. Si Jeign, nanonood sa cellphone niya na may earphones na nakasuot sa kanya. Si ate Rissa naman, may katext.
"Guys, alis muna ako ah." Sambit ko sa kanila.
"Sama ako!"
"Ako din! Boring dito eh."
"Tara bihis la----"
"Hindi pwede!" Sigaw ko kaya natahimik sila.
"Bakit? Saan ka ba pupunta?" Tanong sa akin ni Jeign.
"Basta. Babalik ako mg mga gabi." Sagot ko.
"At bakit gabi?" Tanong naman ni ate Rissa.
"Kasama ko BTS, ate." Sagot ko para hindi siya magalala sa akin.
"Oh, okay." Tipid na sagot niya.
"Mukhang may pitong kadate si ateng ah.." Pangaasar sa akin ni Jeign.
"Subukan mo lang na maging boyfeind si Jimin, masasampal kita ng pinakamalakas kong puwersa." Pagbabala ni ate. Ouch.
"Subukan mong si Namjoon, masasapak naman kita." Dugtong ni Yanna.
"Nagseselos kayo?" Pangaasar ko sa kanila.
"Hindi..." Sagot nila ng mahina pero narinig ko 'yun.
"Suuuuus! Tanggihan niyo pa.." Pangaasar ko muli at natawa ng mahina.
"Umalis ka na nga lang! Siguraduhin mo na may maghahatid sa iyo dahil hindi maganda sa babae ang maglalakad ng dis oras ng gabe." Pagpaalala ni ate sa akin.
Lumabas ako ng bahay at nagpahatid sa deiver namin na binigay sa amin ni mommy.
"Ah ma'am, ano pong gagawin niyo po doon? Para lang po kase iyon sa BTS ma'am eh." Pagbasag ni kuya driver sa katahimikan.
"Ahh, doon lang ako sa tapat nun, kuya. Sa malapit lang po kase yung bahay ng kaklase ko doon." Pagsisinungaling ko para makaligtas na ako.
~~
Nandito na ako sa harap ng main entrance ng bighit. Great. May guard dito. Sabi sa akin ni Namjoon oppa, text ko daw siya kapag nandito na ako sa bighit para papasukin ako sa loob.
Namjoon Oppa😄
Oppaaaaa
Andito na ako sa main entrance
ng bighit corp.May guard kaya di ako makakapasok
agad-agad :{
Pagkaangat na pagkaangat ng ulo ko, nanlaki ang mata ko nang makita sa harapan ko si.... Oppa Namjoon. Ang bilis naman nito.
"Ang bilis mo." Sabi ko.
"No time to loose. May mv tayong gagawin." Sabi niya sa akin at hinawakan niya ako sa pulsuhan.
YOU ARE READING
You're The BangTan's Princess Book 2: Road To Fame
FanfictionAfter she found the 7 boys, they are so happy when they knew her answer. The boys help their princess to be prepared to be seen in public, concerts, music videos and for their dances. Meanwhile, a teenager girl was jealous about her so, she think of...