❤️CHAPTER 3 The CEO

553 26 5
                                    

Sunny Pov

Nasa bahay na kami pero hanggang ngayon ay ang sama pa din ng timpla ng asawa ko. Gaaad...kasalanan ko talaga kung bakit nagkakaganyan siya ngayon.

Ni hindi nga siya nag-abalang sabihan akong lumabas na ng kotse sa halip ay diretsong pumasok lang ito ng bahay namin. Mas nakakatakot tuloy siya kapag hindi umiimik.

"Einstein...". Hindi ko na kaya ang katahimikan kaya ako na ang naunang nagsalita sa aming dalawa nilapitan ko siya sa living room kung sa'n tahimik lang siyang nakaupo pero batid kong pinipigilan niya lang magalit ulit sa'kin.

Hindi ito kumibo at animo'y wala itong narinig kaya nagsalita ako ulit.

"Einstein naman..kausapin mo ako please". Sabi ko at medyo nababahala na sa sobrang pananahimik niya.

"And now you're calling me with my name and not our endearment tss".

Mas lalo lang ata siyang nagalit dahil hindi ko siya tinawag sa endearment namin patay!

Lakas loob na tinabihan ko na siya sa sofa napalunok ako sa kaba. Lord hindi naman siguro ako susuntukin ng asawa ko no?

"Hubby..". Tawag ko sa kanya baka sakaling mahimasmasan na.

"Tss".

Nice. Galit talaga siya.

Napalunok ako ulit hindi pwedeng hindi kami magkaayos sa gabing 'to. Rule number 1 ata sa relasyon namin na kapag may problema hindi ipinagpabukas.

Nilunok ko lahat ng kaba ko at napagdesisyunan na magpaliwanag sa kanya.

"Einstein este Hubby...sorry dahil umalis ako kanina kahit na ang sinabi mo ay hihintayin ko kayo kaya lang naiihi na talaga ako kaya humanap na ako ng Cr".

Lumingon ito sa gawi ko kaya medyo nabuhayan ako ng pag-asa.

"Talaga lang huh. Eh bakit nong maabutan kita may kausap ka ng lalake?".

Napalunok ako ng bongga.

"Hubby mali ang iniisip mo nong lumabas na ako ng Cr inayos ko ang tirintas ng sapatos ko kaya naupo ako sa isang bench don at nagulat na lang ako nang kinuhanan niya ako ng litrato".

Pero parang mali ata ang nasabi ko at mas lalong tumaas ang isang kilay ni Einstein.

Shet nameen.. Yun ang katotohanan pero iba talaga ang iisipin niya.

"Ganon pala yun? Bakit ka naman niya kinukuhanan ng litrato huh?". Sarcastic na tanong niya.

"Hi-hindi ko alam! Ang sinabi lang niya ang ganda ko raw na sub-".

"WHAT THE FUCK, WHAT DID HE SAY?? MAGANDA KA??". Malakas na bulalas ni Einstein kaya napatakip ako ng tenga.

Naks, ang ganda mo talaga mag-explain SUNNY in CAPSLOCK VERSION para mas damang-dama mo tss.

"Hubby naman malay ko sa taong yun basta wala akong kasalanan ok? Ang kasalanan ko lang naman siguro ay yung sinuway ko ang bilin mo yun lang talaga". Pagtatanggol ko sa side ko.

"Who's that guy and I'll cut his head". Nanggigigil na saad niya.

Hay naku seloso.

"Hindi ko nga kilala yun".

"Oh really?? Eh naabutan ko kayong nag-usap".

"Hindi siya nagpakilala aba malay ko".

Napabuntong hininga na lang si Einstein marahil ay pigil na pigil siya sa sarili niya na mainis sa'kin.

"I didn't saw his face but I want to kill that bastard".

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon