❤️CHAPTER 25 Cold Treatment

153 6 0
                                    

Sunny POV

Eksaktong alas dose nang matapos ang meeting namin kasama ang KN nagpaalam na rin agad si Mr. Kim at may ibang appointment pa siyang pupuntahan bukod sa amin.

Lunchtime na rin kaya umalis na ang mga kasama namin para kumain naiwan naman kaming tatlo dito sa conference room.

"Sunny I think we should eat now?". Sabi ni Justine at nauna ng tumayo sa kinauupuan niya.

"Mauna ka na..susunod na lang siguro ako". Napatingin naman si Justine kay Einstein at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin na magpapaiwan ako dito para kausapin ang asawa ko.

"Alright then". Paalam nito at lumabas na rin sa conference room.

Nang mawala na si Justine sa paningin ko ay nilingon ko kaagad si Einstein.

"Ano bang ginagawa mo Einstein?! You came here just to makes things more complicated at napili mo pa talagang i-timing sa mismong pag-uusap namin with KN!". Talak ko sa kanya na kanina ko pa pinipigilan.

"I'm sorry... I didn't know na nandito pala sila". Nahihiyang sagot niya.

"And to make things worst... Jusko Einstein pumayag lang kami kanina dahil ayaw naming mapahiya at nirespeto namin ang opinyon ni Mr. Kim. Ano na ang gagawin natin ngayon ha? Ikaw ang puno't-dulo nito bakit ba kasi hindi ka nagsabi na pupunta ka pala? Bigla ka na lang sumugod dito sa kompanya ng walang pasabi". Inis na inis na wika ko pakiramdam ko pa nga ay umuusok ang ilong at tenga ko halos hindi talaga maipinta ang pagmumukha ko kanina nang bigla na lang siyang pumasok sa gitna ng meeting namin.

"I'm really sorry Sunny hindi ko intensyon na maipahiya ka pumunta ako dito sa inyo dahil gusto kong makiusap sayo".

"Ano ba kasi ang sasabihin mo sa'kin at napasugod ka pa talaga dito?". Galit na usal ko.

"Regarding the issue with Vallerie nadadawit ang pangalan ko at nadadamay na ang kompanya". Problemadong paliwanag niya at kitang-kita ko naman sa mukha niya ang stress na inabot niya sa iskandalo na yun.

"Kasalanan mo rin naman yan". Sarkastikong tugon ko. Ayan tayo eh namomroblema sa sariling kagagawan tss.

"Sunny...".

"Ang hilig mo ng gumawa ng problema ngayon Einstein. Andami na nating pinagdaanan pero ngayon ka pa talaga nagloko? Sana hindi ka na lang tumanda mas gusto ko pa yung nakakainis mong pag-uugali noon kesa binibigyan mo ako ng sama ng loob ngayon. Puro pasakit na lang ba ang ibibigay mo sa'kin? Kung pinakasalan mo lang ako para saktan iuwi mo na ako sa mga magulang ko kaya ko namang buhayin ang anak ko".

Hinayaan ko ang sarili na ilabas ang mga hinaing ko kahit ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nababawasan ang galit ko sa kanya. Talagang inubos niya ang pasensya ko sa pagkakataong 'to.

"Ginagawa ko ang lahat sa relasyon na'to tapos ikaw naman ay gumagawa ng paraan para sirain ang tiwala ko sayo".

"I'm sorry Sunny...maniwala ka walang nangyari sa amin ng babaeng yun hindi ko alam kung bakit nagkaganon".

Natawa naman ako ng mapakla sa sinabi niya. Ang kapal-kapal talaga.

"Isang bobo ba talaga ang tingin mo sa'kin? Kahit sino ay iisipin na may nangyari sa inyo gusto mo pa atang isa-isahin ko ang mga rason kung bakit mas pinaniwalaan ko ang kababuyan na ginawa niyo?!!.". Tiim bagang panunupalpal ko sa paliwanag niya.

"Nahihirapan na akong magtiwala sayo sabihin na nating nagsasabi ka nga ng katotohanan. Do you think I can trust you like I did before?".

Natahimik naman siya sinasabi ko habang nakayuko sa inuupuan niya.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon