❤️CHAPTER 33 The Bitter Past

103 7 3
                                    

Sunny POV

"Wifeyyyy!!!".

Alam niyo yung pakiramdam na ang sarap-sarap ng sipain ni Einstein sa pagmumukha niya at nagawa niya pa akong sundan hanggang dito sa office dahil kahapon ko pa siya hindi pinapansin and guess what? Hindi kami magkatabing matulog kagabi kasi ayaw na ayaw kong makita ang pagmumukha niya at naaalala ko si Tweety Bird.

"Wifey... Sorry na, hindi ko kasi alam na galit ka pala don sa dilaw na ibon na yun at tiyaka nalaman ko lang ang tungkol don nang ikuwento ng kapatid mo at ni Tyler".

Paulit-ulit ang mga sinasabi niya at mas lalo lang akong nairita.

"Pwede ba Einstein, Wag kang gumawa ng eksena dito sa kompanya ko? Mabuti pang umalis ka na at pumunta ka na lang sa kompanya mo". Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad wearing my jimmy choo heels. Panay naman ang mga tinginan ng mga empleyado sa asawa kong nagmumukhang buntot ko.

"Sorry na kasi... Hindi talaga kita titigilan kung hindi mo ako patatawarin".

Anlakas din maka-blackmail ng lalakeng 'to ah.

"OK. FINE. Pinapatawad na kita. So, ngayon pwede ka ng umalis". 
Haaaiist...Ayaw ko namang hanggang office ay susundan niya ako para lang kulitin. Kahit naiirita pa ako sa kanya ay pinatawad ko siya ng instant dahil hiyang-hiya na ako sa inaakto niya. Ayaw ko namang ma-chismiss na pala away ako sa asawa ko alam niyo na kapag gwapo ang lalake tayong mga babae ang nagiging masama palagi.

"Walang bawian yan ha... At tiyaka tabihan mo na ako mamayang gabi wifey". Tuwang-tuwa na wika niya na akalain mong nanalo ng sweepstakes.

"Sige lakasan mo pa yang boses mo yung tipong malalaman ng lahat ng empleyado ko na kinakawawa kita". Sarkastiko kong sabi na ikinatawa lang niya.

"Hehe Sabay tayo mamaya bumili ng regalo para kay Kent ok?".

Mabilis akong tumango para lang mapalayas na siya sa kompanya ko.

"Bye wifey! I LOVE YOU see you later my loves!!!". Sigaw nito na umalingawngaw sa buong floor kaya todo kantiyaw sa amin ang mga empleyadong nakarinig kay Einstein.

"Ang sweet niyo naman sir KYAAAAAAA!". -employee 1

"Ang swerte ni Ma'am Sunny!".-employee 2

"Uuuuuyyy... Sana All!". -employee 3

"Sir Einstein ang gwapo niyo talaga!!".-employee 4

Sinamaan ko naman ng tingin yung empleyadang nagsabi na gwapo si Einstein kaya napatakbo ito dahil sa takot.

Kainis, pasimple pa talagang lumandi.

"Alam mo Ma'am Sunny inggit na inggit talaga ako sayo kasi nasayo na ang lahat eh ang dyosa mo tapos dyos rin sa kagwapuhan si Sir Einstein pwede bang pahila ng buhok mo ng slight kahit ngayon lang?". Hindi ko namalayan ang pagtabi sa'kin ni Chelsea at kung anu-ano pa ang sinasabi nito na ikinataas ng kilay ko.

"Eh kung yang buhok mo kaya ang hihilahin ko hanggang rooftop?". Nasindak naman siya sa isinagot ko. Ang lakas-lakas ng loob na sabihan akong hihilahin niya ang buhok ko. Itong babaeng 'to talaga palaging nagmamaganda, pasalamat siya at pinagtitiyagaan ko pa ang presensya niya. Ang hirap naman kasing makahanap ng sekretarya na hindi magreresign after 3 days. So far, Si Chelsea lang ang napasama sa guiness book with a record of 2 years in service kaya kahit ang sarap na niyang sipain palabas ay pinagbibigyan ko pa rin siya minsan sa mga kabalbalan niya.

"Hehe Ma'am Sunny wag naman bagong rebond pa naman 'tong buhok ko". Sabay hawak sa sinasabi niyang newly rebonded hair pero nagmukha naman itong pinagkatuwaan ng kung sinong baklang atribida na nag rebond sa kanya.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon