❤️CHAPTER 21 Justine

132 11 0
                                    

Note: Ang chapter na 'to ay ikukuwento ang history kung kelan nagsimula ang lihim na pagtingin ni Justine kay Sunny.

3rd Person's Pov

Nakayuko at kinakabahan ngayon ang isang binatilyo na pumasok sa magiging classroom niya. Ayaw niyang pumasok sa eskwelahan na'to. Ayaw niyang pumasok sa Yonhwa Academy pero wala siyang magawa kundi sumunod sa tiyuhin niya na siyang nagpalaki sa kanya. Wala na siyang mga magulang matagal ng pumanaw ang Mommy at Daddy niya ng dahil sa car accident nong pitong taong gulang pa lamang siya kaya simula non ay kinupkop siya ng tiyuhin niya na si Adolfo Atienza na siyang nag-iisang kapatid ng kanyang ama.

Ngayon ay third year highschool na ang binatilyo kakatransfer niya lang galing Amerika pinilit siya ng tiyuhin niya na mag-aral sa Yonhwa kaya pinauwi siya nito ng Pilipinas. Urong-sulong ang binatilyong si Justine Drei Atienza nagdadalawang isip siyang pumasok sa silid aralan niya sapagkat natatakot siya sa malaking pagbabago ng buhay niya nasanay siya na home-schooled yun bang ang guro na mismo ang pumupunta sa bahay nila at don lang siya tinuturuan hindi katulad ngayon na first time niyang pumasok sa isang eskwelahan kung saan may mga kaklase na siya.

"You're blocking the door. Are you not going in?".

Napapitlag naman siya sa gulat nang may nagsalita sa likuran niya at walang iba kundi ang genius ng Yonhwa na hinahangaan at pinupuri ng lahat na si Terrence Einstein Lee na ngayo'y masama na ang tingin nito sa kanya dahil nakaharang nga siya sa pintuan.

Automatikong umalis naman siya sa pagkakaharang at pinadaan niya ang kaklase niya.

"Hey, is this your class?".

Nanlaki ang mata ni Justine nang magsalita ulit si Einstein at kunot-noong tiningnan siya.

"I...I am in this c-class". Ninenerbyos na sagot nito kay Einstein. Binigyan lang siya nito ng weirdong tingin at tumungo na sa kinauupuan nito.

Sa panahong ito si Justine Drei Atienza ay mukhang kabully-kabully bukod sa payat siya ay magulo ang buhok nito na animo'y lampaso, naka-braces at may mabibilog na eye glasses. In short, NERD.

Pumasok na din si Justine sa Class 3-A naisip din naman niya na nandito na siya at wala na siyang magagawa mas maganda kung sundin na lang niya ang uncle niya dahil malaki naman ang utang na loob niya dito. Pagpasok pa lang ni Justine ay pinagtitinginan na siya ng mga kaklase niya ngunit hindi ito paghanga na kadalasang nangyayari tuwing may transferee sa klase. Kung titingnan siya ng mga kaklase niya ay tila nandidiri ito at puno ng pagkadisgusto nang makita siya.

Uupo na sana siya sa bakanteng upuan na nakita niya ngunit imbes sa upuan lumanding ang pwet niya ay diretsong humalik ito sa sahig na siyang ikinatawa ng mga kaklase niya.

"What a looser. Great. May nerd sa klase natin mukhang mag-eenjoy tayo sa pasukan na'to". Anawnsiya ng bully na si Neo at ngumisi naman ang mga kasamahan nito.

"Anong pangalan mo classmate?". Tanong nito sa kawawang si Justine nang makatayo ito at pinagpag ang nadumihan nitong pantalon.

"Ju-Justine". Natatakot na tugon ni Justine kay Neo.

"Justine. Ok simula ngayon paborito ka na namin". Humagalpak ito ng tawa kasama ang mga kasamahan nitong bully. Sa isip ni Justine ay gusto na niyang umuwi ng Amerika at mag-home school na lang kesa mag-aral nga siya sa eskwelahan ngunit ganito pala ang ugali ng mga kaklase niya. Naiiyak siya pero pinipigilan niya lang. Ayaw niya naman na magmukhang kawawa sa harap ng mga bully na 'to lalo na't malaki na siya at hindi na siya bata.

Simula non ay naging masalimuot ang buhay ni Justine sa Yonhwa. Binubully siya ng mga kaklase niya maging mga schoolmates niya din. Sa panahon na'to ay usong-uso ang pambubully sa Yonhwa at isa nga siya sa malas na napagdiskitahan nang dahil sa lampang itsura niya. May minsan na binubuhusan siya ng baldeng tubig sa comfort room, pinagbabato ng mga malalansang itlog, nilalagyan ng chewing gum ang upuan niya, nadadapa sa hallway dahil may biglang pumatid sa kanya at ang pinakamalala ay binubugbog siya sa abandonang classroom ng eskwelahan at kinakandado may minsang doon siya nagpalipas ng gabi pero lahat ng yun tiniis niya gustuhin man niyang magsumbong sa tiyuhin niya ngunit ayaw naman niyang bigyan ito ng panibagong isipin dahil may problema din ito sa trabaho. Mabait na bata si Justine at masunurin. Matalino din ito na siyang ikinatuwa ng tiyuhin niya.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon