❤️CHAPTER 27 Unveiling the Secrets

97 7 0
                                    

Sunny POV

"I'm sorry but this time I agree with Einstein Sunny".

Napabuntong-hininga ako sa kinauupuan ko matapos yung sabihin ni Glitter.

"Sa mga oras na'to ay paniguradong nagpaparty na yung gaga sa katangahan na ginawa mo. Isipin mo walang ka-effort effort na makakabangon ulit ang career niya just by simply declaring to the public that she's innocent!". Naiinis na wika ni Glitter sa tabi ko na tila nakikinita na niya ang magiging resulta sa isinagot ko sa interview.

"Sunny naman.... Ok I get your point na gusto mong tulungan ang asawa mo pero ang sabihin sa publiko na inosente ang babaeng yun ay pinagmumukha mo lang tanga ang sarili mo sa kanya".

Napaiwas ako ng tingin kay Glitter ramdam ko kasi na may panghihinala sa mga mata niya at natatakot ako.

"Sabihin mo nga sa akin, alam kong hindi ka gaga Sunny hindi mo yun gagawin kung walang sapat na dahilan. Nakikita ko sayo na may tinatago ka at dinadahilan mo lang ang asawa mo para pagtakpan ang totoong rason kung bakit ginawa mong inosente ang higad na yun!".

Sabi ko na nga ba at mahuhuli niya rin ako. Alam kong wala akong kawala kay Glitter kaya wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ganon ang naging desisyon ko.

"Si Justine... T--Tinawagan niya ako kaninang madaling araw...la--lasing siya at pinakiusapan niya ako tungkol sa pinsan niya".

Flashback...

Naalimpungatan ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko kaya pikit-matang kinapa ko ito sa bedside table at nang mahawakan ay inilagay ko kaagad sa bandang tenga ko.

"Hello?". Wala sa hulog na wika ko. Hindi ko alam kung sino ang tumatawag at basta ko na lang ito sinagot. Nakaramdam ako ng inis syempre sino ba naman kasi ang matutuwa kapag binulabog ang napakahimbing mong pagtulog?.

"Sunshine...".

Naimulat ko ang mga mata nang marinig ko ang boses ni Justine sa kabilang linya. Hindi ako pwedeng magkamali at tiyaka siya lang ang tumatawag sa'kin ng ganon.

"Justine? Ikaw ba yan?". Pangugumpirma ko at nagtaka kung bakit tumatawag siya sa ganitong oras.

"Haha yeah... It's me Justine Drei Atienza, si Secret Guy at ang acting CEO na kinaiinisan mo".

"Why are you calling?". Tanong ko sa kanya.

"Can ...you do me a favor Sunshine? ..Minsan lang ako hihingi sayo ng pabor".

Napaayos ako ng upo sa hinihigaan ko ng dahil sa sinabi niya at ramdam kong seryoso ito.

"What is it Justine?.. Wait are you drunk?".

Ngayon ko lang napansin na may iba sa pananalita niya parang ang layo sa normal at malokong Justine na kilala ko.

"Hehe..S--sorry Yeah Sunshine I'm a bit drunk right now but don't mind it..anyways back to my question, Can you do me a favor please?".

"Ano yun?".

Saglit siyang natahimik sa kabilang linya at ilang sandali lang ay nagsalita na ulit siya para sabihin ang pabor na hinihingi niya sa'kin.

"I--know...you're very mad with my cousin but please...help her just this once.. Kahit ngayon lang Sunshine...I feel really bad about her...hi--hindi lang ako nagsasalita tungkol sa kanya pero naaawa ako sa pinsan ko... She's my only family Sunshine at nasasaktan ako na nasira ang career niya.... People hate her much and I can't do anything about it... I felt guilty".

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon