❤️CHAPTER 12 New Year's Resolution

421 22 4
                                    

Sunny Pov

Abala ako sa pag-aasikaso sa mga lulutuin ko for new year. Syempre, excited akong i-celebrate ang pagbabagong taon. Sino bang hindi?

Kasama ko ngayon si Glitter sa kusina. Tinutulungan niya ako sa pagluluto, sorry naman kung hindi ako magaling sa ganito hehe kaya kelangan ko ang tulong ng bff ko buti na lang at pinaglalaanan niya pa din ako ng oras kahit na busy rin siya sa paghahanda sa kanila.

"Thank you talaga Glitter at tinutulungan mo ko dito".

Sabi ko sa kanya habang nag-saslice ako ng pineapple.

"What are bestfriends are for? Syempre, tutulungan talaga kita at isa pa marami naman akong katulong sa bahay sa paghahanda. Siya nga pala, ok lang kayo ng asawa mo na kayo lang ang sasalubong ng new year mamaya?".

"Sanay na kaming dalawa ng asawa ko sa ganitong set up". Sagot ko naman.

Kami lang talaga ni Einstein ang nagcecelebrate ng new year dito sa bahay wala naman kasi kaming ibang kasama bukod sa mga maids  at pinapauwi namin sila sa kani-kanilang pamilya tuwing sasapit ang christmas o bagong-taon.

"Kung don na lang kaya kayo kina Tita Thalia para naman may kasama kayo di ba?".

"Kawawa naman kasi ang bahay namin kung walang tao".

Natawa si Glitter sa sinabi ko sabay patay ng stove nito na pinaglutuan niya ng chicken curry.

"Akala mo naman magtatampo ang bahay niyo kung wala kayo dito ni Einstein ng isang gabi ano?".

"Mas gusto ko dito mag-new year sa mismong bahay namin. Basta, tradisyon na namin 'to ni Einstein at tiyaka we already spent our Christmas kina Mommy Thalia".

"Ok as you say so". Hindi na nakipag-debatihan pa si Glitter at nagpatuloy na lang kami sa kanya-kanya naming ginagawa.

We spent half of the day preparing and after lunch nagpaalam na din si Glitter para umuwi so now, I'm left alone. Si Einstein kasi may inaasikaso pa sa kompanya nila. Alam niyo na pinanganak atang workaholic ang asawa kong 'yun pinagpasalamat ko na lang na binibigyan pa din niya ako ng time kahit gaano pa siya ka-busy.

Nagkaayos na din kami ni Einstein nong Christmas we already fixed our issue nagkausap na kami at todo sorry ang asawa ko syempre ako din aminado rin akong may kasalanan no. Importante talaga na pag-usapan ng mag-asawa ang problema so they can sort things out at malaman ang mga dahilan ng hindi pagkakaunawaan.

Charoot masyado na 'kong malalim. Back to my whereabouts.

Nandito pa din naman ako sa bahay tapos na ako sa mga lulutuin ko ngayon ay trip ko na maglinis para mas maganda ang salubong ng bagong taon.

Actually, malinis na talaga ang paligid dahil bago kami iniwanan ng mga kasambahay namin ay nag-general cleaning pa sila dito pero may pagka-clean freak kasi ako may konti lang akong makitang alikabok o kalat sumasakit na agad ang ulo ko , seryoso lumaki ba naman kasi ako na malinis palagi ang paligid ko tapos lahat talaga kami sa bahay clean freak kahit na si Sandy boyish yun pero mas malala pa siya sa'kin hindi siya nakakatiis ng maduming lugar at nahimatay pa nga ang kapatid kong yun noon during her disciplinary punishment sa school niya nong highschool na pinaglinis siya ng comfort room.

Umupo na ako sa sofa infairness, medyo napagod ako sa pinaggagawa ko sana naman ay hindi ako dalawin ng antok mamaya.

Bumukas ang pintuan ng bahay namin at iniluwa ang asawa ko.

"Wifey". Nilapitan ako ni Einstein at hinalikan ng smack sa labi.

"You look tired? Matulog ka kaya muna para may energy ka mamaya".

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon