❤️CHAPTER 26 The Interview

132 6 1
                                    

Sunny POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Umalis ako ng higaan at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pupunta nga pala kami ni Einstein sa oby para magpacheck-up kaya minadali ko ng mag-ayos at lumabas ng kwarto ko.

"Good morning wifey!". Masiglang bati ni Einstein na halos kasabay ko lang lumabas ng kwarto agad naman siyang lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi na hinayaan ko lamang.

"I'll eat first mag-ayos ka na sasamahan mo ako sa oby". Sabi ko para ipaalala sa kanya ang lakad namin ngayong araw.

"Sige I'll be quick". Aniya at bumalik ulit sa kwarto niya para mag-ayos. Bumaba na ako ng hagdan at dumiretso sa dinning room para kumain naabutan ko naman ang mga maids namin na kasalukuyang inihain ang magiging breakfast namin.

"Good morning Ma'am Sunny".

"Good morning Inday, pwede bang pake timpla ng gatas?".

Hawak-hawak ni Inday ang tasa ng kape na ibibigay niya sana sa'kin.

"Hala sorry Ma'am Sunny nawala sa isip ko hehe buntis nga pala kayo sige po papalitan ko po 'to". Umalis saglit si Inday para palitan ng gatas ang kapeng hinanda niya para sa'kin.

"Iha ikaw ba'y ayos lang?". Napatingin ako kay Manang Lourdes na may bahid ng pag-aalala ang mukha niya. Malamang ilang araw din akong hindi umuuwi dito sa bahay hindi na siguro lingid sa kaalaman niya na may problema kaming mag-asawa.

"Ayos lang po ako Manang wag po kayong mag-alala pupunta kami ngayon ni Einstein sa oby para magpa-check up".

"Buti at naisipan niyo rin yun nga sana rin ang itatanong ko alam kong may problema kayong kinakaharap na mag-asawa pero sana wag niyong pabayaan ang magiging anak niyo Iha". Naituon ko ang paningin sa kamay niya na nakapatong ngayon sa kamay ko.

"Ano man ang problema niyo ay ayusin niyong mag-asawa lalo na't madadagdagan na ang pamilya niyo. Hangad ko sa inyong mag-asawa ang magsama ng masaya ako ay saksi sa pagmamahalan niyong dalawa kaya nalulungkot ako sa pakikitungo niyo ngayon sa isa't-isa".

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko sa mga itinuran ni Manang Lourdes alam kong concern siya sa pagsasama namin ngayon ni Einstein dahil madalas na kaming nagtatalo.

Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya ayaw ko ng magbitaw pa ng mga salita na hindi naman bukal sa loob ko. Naiintindihan ko si Manang pero gaya ng sinabi ko ay hindi pa ako handa na patawarin si Einstein sa pagkakamali niya.

Kung sa iba ay pinapatawad nila agad ang asawa kapag nambabae pwes iba ako kasi hindi ko pinangarap na maging magulo ang pamilya ko ng dahil sa isang kabit. Bukod sa nasasaktan ako ay insulto yun para sa'kin bilang babae. Gusto kong turuan ng leksyon si Einstein hindi ako yung klase na tatanggapin agad ang sorry sa isang pagkakamali na wawasak sa relasyon namin.

Hindi na nagsalita pa si Manang Lourdes at ipinagpatuloy na lang niya ang paglagay ng mga pagkain sa mesa.

"Eto na po yung gatas". Tinanggap ko naman ang inabot ni Inday na tasa tiyaka nagpasalamat at sumimsim na nito.

Kinuha ko ang phone ko na nakalatag sa mesa nang bigla na lang itong tumunog.

Calling...Sandy

Nakita kong ang kapatid ko pala ang tumatawag kaya sinagot ko kaagad.

"Ate? Ba't hindi ka umuwi?? Nasa'n ka??". Magkasunod na mga tanong ni Sandy ang bumungad sa'kin sa kabilang linya.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon