❤️CHAPTER 18 A Friend. A Lie. An Enemy

200 10 0
                                    

Drake Pov

Himala at ako ang unang karakter sa chapter na'to laking pasasalamat ko sa top secret ni Einstein at nagawa akong isingit ni author dito hehe. Labs talaga kita author pwede bang tayo na lang? ❤️😘 Di joke lang takot ko lang na ma-evict sa storyang 'to. Peace po wala pa akong lovelife gawan mo muna ako ng forever magandang author ✌🏻️.

O, eto sisimulan ko na ang drama namin at baka mapalayas na ako sa eksenang 'to ..syempre ako ang mangunguna ngayon.

Aiiiisshhh... Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi ng kaibigan kong si Einstein. Paano niya nagawang magtaksil kay Sunny? Kahit pukpokin ko pa ata ang ulo ko sa pader ay hindi ko pa rin maunawaan kung gaano ka komplekado ang mga nangyayari ngayon sa mag-asawa.

Di ba? I feel you too readers. Nakakabaliw ang mga nangyayari ngayon eto talaga ang nakakaiinis kapag may book 2 may bago na namang mga pangontra tss.

Actually, nagi-guilty ako sa kaibigan ko nabigyan ko ba naman siya ng malakas na suntok sa panga pero yun yung nirequest niya eh kasalanan din niya at dala na din yun ng galit ko sa panggagago niya kay Sunny.

"Kaibigan natin si Einstein pero sa pagkakataong ito kaya kong kalimutan kahit ang samahan namin". Minsan lang yang nagagalit si Chase at minsan lang din yang nagsasalita o nangingialam sa mga nangyayari sa paligid niya.

Naiintindihan ko naman siya eh ibang usapan ang panggagago ni Einstein kay Sunny syempre pareho namin silang kaibigan kaya ayaw namin na tuluyang masira ang relasyon nila.

"Ano ba kasi ang pumasok sa utak ng kaibigan natin at pinatulan si Vallerie?! Kahit hindi niya naman kinumpirma kung ano ang ibig sabihin nong sinabi niya kahapon ay halata namang may kinalaman ang babaeng yun!". Ay ewan, attracted pa naman ako sa babaeng yun pero ng dahil siya ang ugat ng lahat ay naiinis na tuloy ako sa kanya.

"Sa tingin mo ba.. Dapat ba natin silang sabihan?". Namomroblemang tanong ni Chase. He's referring to Sunny and our other friends.

Ayun na nga din ang pinoproblema ko naiipit na tuloy kaming dalawa kung dapat ba na ipagbigay alam namin sa kanila o itago na lang muna at hayaang si Einstein ang magsabi sa asawa niya.

But on the other hand.. Napaisip din ako at hindi namin nabigyan ng pagkakataon si Einstein na magkwento dahil matapos ko siyang suntukin kahapon ay iniwan namin siya ni Chase dahil sa matinding galit.

"Anong dapat naming malaman?".

Sabay kaming napapitlag ni Chase nang may biglang sumali sa pag-uusap namin.

"O, para kayong nakakita ng multo diyan?". Nagtatakang tanong ni Keeth nang makita ang itsura namin ni Chase na tila tinakasan ng dugo.

Shit. May narinig ba siya?

"Hoy anong dapat naming malaman? Kayo ah may tinatago kayo sa amin. Walang ganyanan mga pre!". He both tapped our shoulder to convince us from spilling the beans.

Nagkatinginan kami ni Chase kung dapat ba naming sabihin kay Keeth ang nalalaman namin.

"Einstein he told us..".

Nanlaki ang mata ko ng akmang sasabihin ni Chase kay Keeth kaya bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na.

"He told us that we're having a trip this Saturday.. Right Chase? He he yun yung sinabi niya kanina".

Kunot noong napatingin si Chase sa'kin na may pagtatanong sa mga mata niya like he can't believe that I've just made up a lie to cover our friend.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon