❤️CHAPTER 34 Kent's B-Day

194 12 5
                                    

Sunny POV

"Are you sure that I'm really invited?".

Napaikot na lang ang mga mata ko sa pabalik-balik na tanong ni Justine. Hindi pa rin siya makapaniwala na invited siya sa party ni Kent na mangyayari na mamayang gabi.

"I gave you an invitation with your name printed on it and you keep asking me if you're really invited. Ano ba namang tanong yan?". May bahid na ng pagkairitang sabi ko sa kanya.

"I just ...can't believe that they still consider me after what happened in Davao". Ani Justine na napapakamot pa sa ulo niya.

"Wala ka namang kasalanan sa nangyari. Basta, pumunta ka na lang at maghanda ng regalo sa anak nila".

"Ngayon mo pa talaga ako binigyan ng invitation hindi man lang ako makapaghanda sa ireregalo ko".

"Alam mo? Ang dami mong satsat, mag-order ka sa online problema ba yun?". Napasimangot na tugon ko at iniwan na siya sa office niya bago pa ako tuluyang mairita. Paglabas ko ng office ni Justine ay siyang bungad ni Chelsea sa harap ko dahilan para mapaigtad ako sa gulat.

"Goodnessy Chelsea! Ilang beses ko na bang sinasabi sayo na wag mo ng basta-basta na i-display ang pagmumukha mo sa harap ko?". Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil talagang nagulantang ako sa kanya. Tuwing biglang susulpot si Chelsea ay nagmistula itong horror movie.

"Sarrey Ma'am Sunny, sasabihin ko lang naman po sa inyo na may store visit kayo sa Taguig ngayon". Sagot naman sa akin ni Chelsea habang pinapagalaw pa niya ang mahahabang piluka sa mata na kulay pink.

"Ngayon na ba yun?". Tanong ko sabay tanaw sa relo ko.

"Yes, Ma'am Sunny. Today po as in now na! you have to go and make store visit na".

"Ok, you accompany me and tell the company driver to get ready after 10 minutes". Utos ko at tumungo si Chelsea sa pinakamalapit na department para makisuyo ng telephone. Bumalik naman ako ng office ko para kunin ang iilang documents at bag ko ilang sandali lang ay kumatok na si Chelsea para ipaalam na hinihintay na kami ng company driver sa ibaba.

"O, Saan ang punta mo Sunshine?". Nakita kami ni Justine sa may elevator habang inaantay ang pagbukas nito.

"May store visit ako ngayon sa Taguig. I'll be there for whole day, I guess we'll see each other later evening in the party". Sagot ko naman kay Justine.

"Ok, ingat kayo". Ani Justine at siya namang pagbukas ng elevator. Pumasok naman kaming dalawa ni Chelsea as I bid my goodbye to Justine before the elevator finally closed.

"Ma'am Sunny, may tawag po kayo". Inabot sa'kin ni Chelsea ang cellphone ko na kinuha niya sa bag ko na pinapahawak ko sa kanya. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag then I immediately pressed the accept button when I found out that it is Adrian.

"Hello Adrian?, napatawag ka?". Sagot ko sa kabilang linya. Medyo nagulat pa ako na si Adrian yung caller. Minsan lang kasi siyang napapatawag dito sa Pilipinas dahil nga sa France sila nakatira.

"Thank God, you answered the call Sunny. We just arrived from France, I can't reach Drake siya yung magsusundo sa amin dito sa airport eh".

"What?? So, you're really here in the Philippines? Mabuti naman at makaka-attend kayo ng party ni Kent". Natutuwang sabi ko na mababakas rin ang pagkasabik na makita sila.

"Yup, Kinulit ba naman ako ni Glitter. Anyway, Si Drake yung dapat magsusundo sa amin dito papunta sa bahay nila Glitter dahil nga nasa trabaho pa si Keeth at si Glitter naman ay abala sa preparation mamaya kaya lang hindi sinasagot ni Drake ang mga tawag ko kanina pa at isang oras na kaming nag-aantay dito sa airport. Can you reach him Sunny?".

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon