❤️CHAPTER 9 Rising Problem

371 19 1
                                    

Sunny Pov

"Hubby!".

Ang bilis naman maglakad ng asawa ko grabe, hingal na hingal na ako sa kakasunod sa kanya pero gora pa din mahirap na at panibagong pag-aawayan na naman namin ang nangyari ngayon ni Einstein.

"Ang bi--lis mo naman ..Wew". At last naabot ko din ang kamay niya. Napabuga ako ng hangin infairness nakakapagod ang pagsunod sa kanya dito sa labas ng hotel.

"Hubby, mag-usap tayo please". Sabi ko habang hawak ko ang kamay niya pero nakatalikod pa rin si Einstein sa'kin.

"Wala tayong pag-uusapan Wifey, Nagpapahangin lang naman ako dito".

Weh?

"Wala ka diyan, humarap ka nga sa'kin. Mag-usap tayong dalawa ayaw kong mag-aaway na naman tayo dahil sa misunderstanding hubby".

"Go back to the hotel wifey".

"No! Pwede ba? Alam ko kung kelan ka hindi ok Einstein kaya please lang kelangan natin mag-usap!".

Dahil wala naman siyang balak na harapin ako ay ako na mismo ang tumungo sa harapan niya.

Ibabaling niya sana ang paningin sa ibang direksyon pero bago niya pa magawa ay hinawakan ko ang mukha niya at iniharap sa'kin pabalik.

Jusko. Heto ba ang sinasabi niyang OK LANG SIYA At NAGPAPAHANGIN lang?

"Kaya palagi tayong nag-aaway eh kasi ayaw mong pinag-uusapan natin ang problema".

Napabuntong hininga si Einstein at ngayon ay nakatitig sa mga mata ko.

"I'm sorry Wifey...shit I just can't help it". Frustrated na sabi nito.

"Wala lang yun ok? , ikaw talaga kung anu-ano ang pumapasok sa utak mo hubby". Alam ko naman na nagseselos siya kay Justine.

"Balik na tayo sa hotel, tara?". Tumango lang ang asawa ko at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa hotel nang biglang tumunog ang cellphone niya.

"Sagutin mo na, baka importante". Kinuha niya naman sa bulsa niya ang cellphone at sinagot ang tawag.

"What??... Sige pupunta ako...yeah give me 30 minutes....Bye".

Kunot noong tiningnan ko lang ang asawa ko habang may kausap ito sa phone.

"Wifey...".

He sounds problematic and it's evident on his face.

"What's wrong?". Nag-aalala kong tanong sa asawa ko.

"I gotta go. May emergency sa company..shit...I'm sorry wifey as much as I wanted to stay but I-".

I cut him.

"Go. Puntahan mo na I know it's important naiintindihan kita hubby".

"But I promised you that I'll be wi-".

"Hubby. It's alright. Masaya na akong sinabayan mo ako dito sa reunion natin at nandiyan naman ang barkada kaya ok lang".

"I'll fetch you later, hintayin mo ko".

Tumango ako at ngumiti ng matipid sa asawa ko. Sa totoo lang disappointed ako but I chose to understand him pareho kami ng line of work at dapat lang na maintindihan ko siya na hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon