❤️CHAPTER 13 PREGNANT???

557 18 4
                                    

Sunny Pov

Bagong taon na. Wish ko lang ay masaya kong sisimulan ang career ko this year! Well, kahit na friends na kami ni idiot este si Justine hindi pa rin natin alam ang mangyayari in the future you know masyadong maikli ang pasensya ko hehe.

"Happy New Year Ma'am Sunny!". Masayang bati ni Chelsea at dahil maganda ang mood ko sa araw na 'to ngumiti ako ng malapad sa sekretarya ko sabay sabing...

"Wow, ang ganda-ganda natin ah".

Oops..Wag ng umalma. Regalo ko na lang yan kay Chelsea haha.
At ang gaga naman ayun tuwang-tuwa at inipit pa ang buhok sa tenga niya nagfefeeling pretty pero hayaan na lang natin minsan ko lang naman kinoconsider ang pagka-ambisyosa niya dahil mostly puro panlalait sa'kin ang nakukuha niya lels.

"Ma'am naman! Ngayon mo pa talaga napansin? Matagal na kaya akong maganda!".

O, di ba? Feeler talaga ang gaga.

"Of course pansin na pansin ko Chelsea".

Napakagat ito ng labi dahil sa sobrang flattered sa sinabi ko.

"Pansin na pansin kong walang pinagbago".

Ayokong magsinungaling. Bagong taon eh baka ako ang malasin.

In instant ay napasimangot si Chelsea sa'kin at ang sama pa ng tingin pero hindi rin naman ako nagpatalo at binalik ko sa kanya ang mga tingin niyang yun.

"He he Thank you Ma'am, ang honest niyo talaga!". Napakamot ito sa ulo niya dahil wala naman siyang laban sa'kin. Ako boss eh aangal pa siya?

"Yow!".

"Ang ganda mong pambungad ng taon ko Justine". Binara ko na agad ang lalakeng papalapit sa pwesto namin.

Napahawak ito sa puso niya.

"Aray naman, ikakatuwa ko ba yun o ano?".

Natawa na lang ako sa sinabi ni Justine magkasing ugali talaga sila ni Drake. Mga loko-loko.

"Anyway, Happy New Year Secret Girl!". Bigla ba naman akong niyakap ng walangya kaya naubo tuloy si Chelsea sa tabi ko.

Tinulak ko nga agad.

"Suntok, gusto mo?".

"Ang hard mo secret girl. Na-miss lang kita eh. Ilang araw din tayong hindi nagkita ah".

"O. A nito para isang linggo lang?".

"Naks! Binilang mo?".

Binatukan ko nga.

"Tanga! Pareho kaya tayo ng holiday break!".

"Oo na Oo na!". Inakbayan ako ni Justine kaya hinayaan ko na lang.

Medyo naging close na din kasi kami ni Justine parang si Keeth na din ang tingin ko sa kanya.

At ang mga echoserang empleyado namin ayun gulat na gulat hindi siguro nila akalain ang nangyayari sa'min ngayon ni Justine nong isang taon ba naman ay araw-araw kaming nagpapatayan ng tingin.

Sabay kaming tumungo ni Justine sa elevator. Kakasara lang ng elevator nang may inabot si Justine sa'kin.

Kumunot ang noo ko. Ni hindi ko napansin na may hawak siyang paper bag kanina ah.

"Ano 'to?".

Napaikot ng mata si Justine sa tanong ko.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon