❤️CHAPTER 2 It's SECRET

685 28 7
                                    

SUNNY POV

NakngTINAPA!!! So, nandito siya??

"Ma'am ok ka lang??". Chelsea waved her hand to get my attention.

Binalik ko naman ang tingin sa sekretarya ko.

"Wait so you're saying na aattend din siya mamaya ng meeting??". Tanong ko pa.

Dahan-dahan namang tumango si Chelsea na mahahalatang nagdadalawang isip pa na sagutin ang tanong ko.

Goodnessy...seryoso???

Akala ko ba wala na siyang balak magpakilala sa kompanyang 'to?? Anong pumasok sa utak ng mang-aagaw na yun??.

Ewan pero kahit hindi ko pa talaga siya kilala ay ang init na ng dugo ko sa kanya!

Magkasabay na tinahak namin ni Chelsea ang office ko at pinapasok ko din siya.

"Alam niyo ba ma'am balitang-balita po dito na gwapong lalake raw ang CEO natin!".

Napairap ako sa chismiss ng sekretarya ko.

Tss. Mas gwapo pa din ang asawa ko for sure!

"Sabi po nong mga empleyadang nakakita sa kanya model po ang tindig at pak na pak ang itsura! Excited na nga akong makita si Sir eh malay niyo ma'am ma-fall si Sir sa ganda ko!".

Binatukan ko nga. Nananaginip na naman 'to ng gising.

"Aray ma'am! Against human rights yun!". Asik niya.

Binatukan ko ulit.

"Sa kagaya mong ambisyosa hinding-hindi yun mag-aapply!". Napasimangot naman ang nagmamaganda kong sekretarya sa sinabi ko.

"At pwede ba, wala akong pake kung gaano ka-gwapo ang mang-aagaw na yan! Ang sabi ko sayo kwentuhan mo ako ng mga nangyayari sa kompanya hindi ang chismis sa kung sino mang acting CEO na yan!".

Kainis na Chelsea na 'to.

"Hehe sorry Ma'am akala ko po kasi interested kayo".

"Kung siya ang asawa ko may interes ako! Kaso nga hindi!".

Napapitlag naman si Chelsea na nagulat ata sa biglaang pagsigaw ko.

"Alis na! Balik sa trabaho, kung anu-anong pinagsasabi mo baka hindi kita matansya!".

Nagmadaling lumabas si Chelsea sa office ko malamang takot na takot na yun sa'kin.

Langya naman araw-araw atang tataas ang dugo ko ngayong nandito na ang gwapong CEO na yan!

-------------

Patungo na ako sa conference room at magsisimula na ang meeting with the board of directors kasunod ko si Chelsea na panay remind sa'kin sa agenda ng magaganap na meeting ngayon.

She opened the door for me at nauna akong pumasok.

I sit in my spot at maya-maya lang ay pumunta na sa harapan si Mr. Choi.

"Good afternoon everyone before we will start I would like to apologize that my nephew couldn't make it today due to urgent matter".

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon