❤️CHAPTER 7 A New Beginning

499 29 10
                                    

Sunny Pov

"Ma'am Sunny may invitation po na naka-address sayo".

Tumigil ako sa pagbabasa ng business proposal tiyaka kinuha kay Chelsea ang inabot niyang invitation na naka-envelope.

"What's this?".

"Sa Yonhwa University po galing yang invitation".

Oo nga kasi may seal ng school namin.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tiningnan na agad ang laman ng envelope na hawak ko.

To our Alumni for Batch 20**,

A pleasant day to you, you are invited to join our Batch Reunion this incoming December 17, ****event starts at 6:30 pm in Golden Crown Hotel. Please wear your formal attire.
Looking forward to see you.

Dr. Jessica Sanchez Sy
The School President
Yonhwa University

Omg, we have a batch reunion??

"Mukhang gulat na gulat kayo Ma'am ah".

"May batch reunion kami next week".

"Talaga po? Wow nakakatuwa naman Ma'am magkita-kita po kayo ng mga kabatch niyo nong college".

Yeah actually natutuwa din ako na may batch reunion kami next week. Iilan lang naman ang mga close ko sa Yonhwa pero alam mo yung feeling na na-miss mo yung mga kaklase mo at kung ano na kaya ang naging buhay nila after college.

"Gora kayo diyan Ma'am Sunny minsan lang yang reunion niyo".

"Gusto kong pumunta I'll tell my husband later but I guess pinadalhan na rin ata yun ng invitation gaya ko".

Wala naman masyadong nangyari sa araw na 'to. Ipinagpasalamat ko na lang sa Panginoon na normal ang takbo ng buhay ko ngayon natutuwa ako na hindi nag-krus ang landas namin ni Justine dahil may business trip siya for 3 days sa Singapore. So, stress-free ang ganda ko at may dalawang araw pa akong magcelebrate sa non-existence niya sa kompanyang 'to haha.

"Pansin ko lang na ang blooming mo ngayon Wifey". Kakapasok ko lang sa kotse na minamaneho ni Einstein pero yun na agad ang pambungad sa'kin ng mahal kong asawa.

"Syempre..mawalan ba naman ng salot for the meantime".

"Oh asan pala yung Justine?".

"Nasa Singapore, how I wish hindi na yun bumalik pabigat lang siya sa buhay trabaho ko".

Marahang natawa naman ang asawa ko sa sinabi ko.

Umupo na ako sa shotgun seat pero hindi niya pa pinapaandar ang sasakyan.

"Siya nga pala, may natanggap ka bang invitation?".

"For?".

"Pinadalhan ako ng invitation ng Yonhwa kanina may batch reunion raw tayo next week".

"Ah yeah. I got an invitation letter pero hindi ko pa naman nababasa but it has Yonhwa's school seal. So, there'll be a reunion huh?".

"Yep! Gusto kong pumunta, ikaw ba?".

"I'll go coz you'll be there".

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon