❤️CHAPTER 6 Kiss & Make Up

520 23 4
                                    

Sunny Pov

"Ilang araw ng cold si Einstein sa'kin at naaalarma na ako Glitter".

Sabado ngayon at naiwan akong mag-isa dito sa bahay kasama ang mga kasambahay at syempre ang bff ko na si Glitter pinapunta ko siya ngayon ng dahil sa problema ko.

Wala si Einstein nasabi niya sa'kin kagabi na every saturday ay may appointment na siya sa bagong endorcer ng kompanya nila gustuhin ko mang mainis at magtampo pero sa sitwasyon namin ngayon ni Einstein mas pinili ko na lang manahimik at baka madagdagan ko pa ang cold war naming dalawa.

Hindi niya ako inaway at mas lalong hindi niya ako sinigawan pero mas nakakainis pala yung walang pansinan ano? na parang boardmates lang kayo sa bahay na 'to.

"Alam mo Sunny hindi talaga palagay ang loob ko sa Justine na yan. Wow lang talaga at siya pala ang acting CEO ng kompanya niyo ang liit ng mundo eh". Pagsasalita ni Glitter sa tabi ko ng matapos akong magkwento sa kanya.

Hindi ko na kayang kimkimin mag-isa ang namumuong problema sa amin ni Einstein kaya kinausap ko na si Glitter alam ko namang siya lang ang makakatulong sa'kin.

"Mabait naman si Justine pero galit din ako sa kanya".

"Paano yan? Mukhang hindi talaga maiiwasan na mag-aaway talaga kayo ni Einstein nang dahil sa Justine na yan".

Tama si Glitter hanggang nasa kompanya si Justine hindi maiiwasang magtampo si Einstein sa'kin.

"Ano bang gagawin ko Glitter? Hindi ako iniimik ni Einstein at naaasar na din ako sa trato niya sa'kin".

"Kausapin mo na kasi".

"Paano ko siya kakausapin eh sa hilatsa pa lang ng pagmumukha niya parang ayaw niyang pag-usapan yung nangyari?". Frustrated na sabi ko. God, ayokong nag-aaway kami ni Einstein. Nagsisimula na talaga ang kinatatakutan ko.

"Kausapin mo kahit ayaw niya pilitin mo hinding-hindi talaga kayo malilinawan dalawa kung wala sa inyo ang maunang magsalita".
Tumango ako sa suggestion ni Glitter hindi maganda sa mag-asawa na pinapalipas ang problema ayaw kong magkasira kami ni Einstein nang dahil sa misunderstanding.

"Don't worry, you'll be okay parte sa isang relasyon ang mag-away lalo na sa mag-asawa ganyan din kasi kami ni Keeth pero hindi namin pinapalipas ang away namin". Hinawakan ni Glitter ang isang kamay ko na parang inaassure niya sa'kin na magiging okay kami ni Einstein.

"Iwasan mo na lang si Justine kapag na sa paligid si Einstein para hindi na kayo mag-away".

"Thank you Glitter". Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko sa pag-uusap namin ni Glitter tama talaga ang desisyon ko na kausapin siya sa nangyayari sa amin ngayon ng asawa ko.

Matapos kaming mag-lunch dito sa bahay ay umuwi na din si Glitter sa kanila medyo na guilty nga ako at inagawan ko pa ng oras si Kent at Keeth.

Nakatunganga lang ako sa TV buong maghapon bored na bored talaga ang buhay ko kapag wala si Einstein dito sa bahay.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko hindi ko na kaya 'to miss na miss ko na talaga ang asawa ko.

"Manang paki-bantay po muna ng bahay namin pupuntahan ko si Einstein sa company".

"Mabuti naman Ma'am Sunny at naisip niyo yan tiyak na matutuwa si Sir kapag pinuntahan niyo siya".

Matapos kong magpaalam sa kasambahay namin ay lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa garahe.

"Sige lang magdrama ka lang na Cold sa'kin dahil sisiguraduhin kong hindi matatapos ang araw na'to na susuko ka din sa arte mo hubby". Sabi ko at pinaandar na ang kotse.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon