❤️CHAPTER 22 Disaster

159 10 3
                                    

Einstein Pov

"Alam mo bang matagal ng may gusto ang pinsan ko sa asawa mo?".

Naikuyom ko ang kamao ko habang pinapakinggan si Vallerie. Gustuhin ko mang hindi makinig sa sasabihin niya pero may parte sa akin na nagkaron ng interes sa ikukuwento niya.

"Hindi lang pala gusto. Mahal niya ang asawa mo, matagal na". Natatawang dugtong nito at pinipigilan ko ang sarili na saktan siya. Wala talagang magandang maidudulot ang makinig sa kanya.

"Why are you here?". I shifted the topic.

"May photoshoot ako dito hindi ko alam na sinuwerte pala ako at nakita pa kita dito, alam mo yun meant to be nga tayo".

I smirked at her. She's really unbelievable mas may malala pa pala kay Chanel. Iniwan ko na siya don at nilapitan na sila Sunny.

Ngayon ay magkahiwalay na sila ni Justine mabilis pa sa alas kwatro ang pagkalas ni Sunny sa pagkakayakap sa kanya ni Justine nang makita ako. Nagdilim naman ang paningin ko nang makita ang senaryong yun kaya bumulagta na lang si Justine sa buhanginan ng suntukin ko siya sa mukha.

"Tarantado ka Atienza! Nalingat lang ako saglit inaahas mo na ang asawa ko!". Namumula ako sa galit habang sinasabi yun. Alam ko na mali yung ginawa ko ni hindi ko binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag ito sa halip ay bigla ko na lang siyang ginulpi.

"Oh my god! Einstein! Anong ginawa mo?!". Sigaw ni Sunny at bakas sa mukha niya ang sobrang pagkagulat sa nakita.

"Are you taking his side now?". Sarkastikong tugon ko sa asawa ko.

"Anong sabi mo? Wala akong pinapanigan Einstein sadyang mali lang talaga ang ginawa mo!".

"Mali?? Sinong asawa ba ang matutuwa na makita ang ganong eksenang ha?!".

"Ano ba ang nangyayari sayo??? Ang kitid ng utak mo Einstein!".

"Ako pa ngayon ang makitid?? Kitang-kita ng dalawang mata ko Sunny!".

"Nababaliw ka na!".

Namayani ang katahimikan matapos sabihin yun ni Sunny. Shit lang at nasaktan talaga ako sa sinabi niya.

Natawa ako ng mapakla. Hindi ko lubos maisip na aabot kami sa puntong magsisigawan kaming dalawa.

"Tama ka Sunny. Nababaliw na ako pasensya at masyado lang kitang mahal". Sabi ko naman.

"Gago ka Einstein! Bakit mo ba pinagsasalitaan ng ganyan ang asawa mo?". Kinuwelyuhan ako ni Justine at kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya matapos ay sinuntok din niya ako sa mukha.

"MAS GAGO KA ATIENZA! ANONG KARAPATAN MO PARA YAKAPIN ANG ASAWA KO??". At nagsimula na kaming magsuntukan ni Justine napahiga na nga siya sa buhangin habang binabasag ko ang mukha niya. Lintek lang ang walang ganti. Magkakamatayan kaming dalawa, asawa ko ang kinakalantari niya.

"Einstein pre, tama na yan". Naramdaman ko na lang na may humihila na sa akin para malayo kay Justine.

"Bitawan mo ko Tristan hindi pa ako tapos sa gagong yan!!".

Nakita ko namang pinipigilan din ni Drake na sumugod si Justine sa akin. Fuck you niya siya pa ang may ganang magalit kayang-kaya ko siyang lumpuhin.

"Couz, please tama na..mahiya naman kayo sa mga tao dito ..Si Sunny buntis siya ma-iistress siya sa gulo niyo".

Parang binuhusan naman ako ng napakalamig na tubig sa sinabi ni Glitter. Sa sobrang galit ko ay nakalimutan kong buntis ang asawa ko at nagawa kong gumawa ng gulo.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon