❤️CHAPTER 19 A Moment like this

221 17 0
                                    

Sunny Pov

"This is gonna be exciting, KYAAAAAAAH!!".

I rolled my eyes as soon as I heard my bff.

Sino pa nga ba? Walang iba kundi si Glitter Anikka Anderson Ruiz.

"Hey Mom! You're so loud!". Napatakip ng tenga ang anak niyang si Kent habang ang butihin niya namang ama na si Keeth ay natatawa lang sa asawa.

"Handang-handa na ang two-piece ko ma-eexpose na naman ang perfect body ko later hihihi". Inakbayan ako ni Glitter habang pinagmamalaki ang ginawang paghahanda sa trip namin.

"Gross..Seriously mom? You're already old enough to flaunt your body". Napangiwi ang anak niya nang marinig si Glitter sa sinabi nito.

"Ang KJ mo bata ka! Don ka nga sa Tito Einstein mo bagay na bagay talaga kayo!". Bwelta ni Glitter at itinuro ang asawa ko para puntahan ni Kent pero bago ito umalis ay nagawa pa niyang belatan ang ina niya.

"Hindi kami bagay ni Tito Einstein because we're both guys I prefer Tita Sunny!".

Natawa na lang ako sa mag-ina.

"Hon, inaaway mo ang anak mo". Saway naman ni Keeth na napapailing na lang sa asawa niya.

"O baka gusto mo din na awayin kita?".

"Chill Hon, ikaw talaga...ang hot mo palagi eh".

"Tama ka, kaya bago pa tuluyang mag-init ang ulo ko ay umalis ka na sa paningin ko at nag-uusap kami ngayon ng bestfriend ko". Mataray na sabi nito at itinulak si Keeth para layuan kami. Baliw talaga si Glitter.

"Inaaway mo ang asawa mo at anak mo ibang klase ka bessy".

"Hayaan mo yung dalawa hehe o ano ready na din ba yung bikini mo?".

Akala ko kung ano ang pag-uusapan namin hindi pa pala tapos ang topic na yun.

"I'm always ready. Ako pa ba? Hindi ako papakabog sayo no? Ako ang Dyosa remember?".

Glitter rolled her eyes like she can't believe that I tell that to her. Sorry naman kahit bessy ko pa siya pinapaalala ko pa din na ako ang mas MAGANDA haha.

"Fine Fine Fine ikaw na sayong sayo yang korona mo".

"Hi beautiful ladies ;) !".

Sabay kaming napatingin ni Glitter sa kakarating lang na si Drake.

"Kung akala mo gwapo ka ng naka shades nagmukha ka lang bulag sa paningin namin". Pambungad na asar ni Glitter kay Drake.

Hehe mag-bestfriends nga kami at parehong mainit ang dugo namin sa lalakeng 'to hindi sa ayaw namin sa kanya ang sarap lang kasi asarin ni Giabros kasi nagmumukha itong bata na nagtatantrums.

"Ang sama niyo talaga sa'kin kahit kelan!".

"Magpatangkad ka muna baka sakaling mapagod na kami sa kakaasar sayo". Sabi ko naman.

"Hinay-hinay lang ladies hindi pa nga tayo nakakaalis inaasar niyo na 'tong si Drake". -Tristan na inakbayan ang kawawang kaibigan niya.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon