❤️CHAPTER 23 Her Scandal

148 8 0
                                    

Sunny Pov

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko pakiramdam ko'y gumuho ang mundo ko sa nasaksihan at ramdam ko ang pagbuhos ng mga luha ko. Bawat patak ay kaakibat ang sakit na hindi ko mawari.

*BOOOGSH

"What do you think you're doing?!".

"Let me explain".

*BOOOGSH

"To hell with your explanation Einstein! Hindi kami bulag para hindi makita ang kababuyan na ginawa niyo ng babaeng yan!!".

Naririnig ko ang mga mura ni Drake pero masyadong magulo ang utak ko at hindi alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon sa harap nila kaya pinili ko na lang umalis sa silid na yun.

Ito na siguro ang pinakamasakit na nangyari sa tanang buhay ko hindi ko sukat akalain na pwede pala itong mangyari sa relasyon namin ni Einstein. Ilang pagsubok na ang aming naranasan at lahat yun ay aming nalampasan pero yung nakita ko ngayon lang...

Hindi ko alam kung kakayanin ko pang lumaban..

Oo naduduwag ako. Masyado akong nakampante...at naniwala sa tatag ng aming pagsasama. Hindi man lang pumasok sa utak ko ang ganitong pangyayari. Madalas man kaming nag-aaway sa nakalipas na mga araw pero hindi ko naisip na pwedeng aabot sa puntong 'to. Alam kong may gusto si Vallerie sa asawa ko ngunit ang patulan ni Einstein ang babaeng yun?

Biglang nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari nong nakaraan may napapansin na ako kay Einstein at Vallerie subalit pinagsawalang bahala ko lang ito dahil sa isip ko ay hindi magagawa ng asawa ko na lokohin ako.

Mali bang binigay ko ang buong tiwala ko sayo Einstein?

Tanging pagtakbo lang ang alam ko sa mga oras na 'to hindi ko na inantala kung sa'n man ako mapadpad. Walang paglagyan ang sakit na nararamdaman ko. Gusto kong magwala, magmura, at saktan sila pareho hanggang sa maibsan ang galit sa puso ko.

"Sunny! Oh my god!".

Napahinto ako sa pagtakbo nang marinig ang boses ni Glitter na tinatawag ako sinundan niya pala ako dito.

"Sunny...sorry". Nang tuluyan niya akong malapitan ay agad niya akong niyakap ng mahigpit at wala akong nagawa kundi umiyak sa likuran niya.

"Glitter...may ginawa ba akong mali?..Na-nagkulang b--ba ako?". May hinanakit na tanong ko.

"Sunny...wag mong sabihin yan. Naging mabuti kang asawa kay Einstein". Sagot ng bestfriend ko at tiyaka tinapik ang likuran ko.

Patuloy lang ako sa pag-iyak na parang batang inagawan ng laruan ngunit hindi naman laruan ang kinuha sa'kin.

Buhay ko ang kinuha.

Asawa ko ang inagaw sa'kin.

At ama ng magiging anak ko.

Naikuyom ko ang mga palad ko hindi pwede na basta ko na lang isusuko ang asawa ko. Gaya ng sinabi ko kanina ang dami na naming napagdaanan at nalampasan ni Einstein.

Ngayon pa ba ako susuko?

Ngayon pa ba kung kelan magkaka-anak na kami ni Einstein?

Babae lang yan Sunny. Isang babaeng walang karapatan sa asawa mo at ang sirain ang pamilya mo!

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Glitter at agad na pinunasan ang mga luha ko.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon