❤️CHAPTER 32 A Glimpse of the Past & The Imminent Plan

94 5 0
                                    

Chanel POV

Naranasan niyo na bang namatay at nabuhay?

Well, I do.

I have experienced death itself but I was able to bring myself breathing again. Minsan lang sa atin ang nabibigyan ng pangalawang pagkakataon na mabuhay. Nong sinalo ko ang bala na para dapat kay Sunny ay alam ko na sa sarili ko na yun na ang magiging katapusan ko. Tandang-tanda ko pa ang huling hininga na binitawan ko sa mundo bago ako namatay sa mga kamay ng lalakeng minsan kong minahal ng lubusan.

I survived. I was given a chance to renew my life. Ano nga ba talaga ang nangyari kay Chanel Faye Montez?.

*F L A S H B A C K (Ang araw na inakala ng lahat ay patay na si Chanel) (3rd Person's point of view)

Hindi matigil-tigil ang paghahagulgol nina Einstein at Sunny nang tuluyan ng bumitaw si Chanel. Namatay siya ng dahil sinalo niya ang bala na dapat sana ay kay Sunny. Pangatlong beses itong nabaril sa dibdib niya kaya napakaimposible ng matakasan niya pa ang kanyang kamatayan.

Dumating na ang mga pulis at nasa ganong senaryo nila naabutan sila Einstein. Hinuli na rin nila si Neo at ang mga kasamahan nito habang nilapitan naman ng mga medic si Chanel para kunin.

"I'm so sorry Mrs. Montez". Naaawa at nakikisimpatya na idineklara ng lalakeng nurse kay Mrs. Montez nang makumpirmang wala ng buhay si Chanel. Samantalang tulala lang si Einstein at Sunny habang nakatingin kay Chanel na inililipat na sa stretcher. Hindi pa rin sila makapaniwala na wala ng buhay ngayon ang dalaga na kanina lang ay buhay na buhay pa ito.

"Chanel!! Anak!!! Nooooooo!!!". Mahahabag ka sa sigaw ni Mrs. Montez nang makita niya ang kanyang anak na naliligo sa sarili nitong dugo at namumutla.

"Kelangan po muna natin siyang dalhin sa ospital para sa autopsy".

Sumunod naman si Mrs. Montez para samahan ang kanyang anak patungong ospital. Maging sa loob ng ambulansya ay hindi pa rin matigil-tigil ang kanyang pag-iyak pakiramdam niya ay gumunaw ang kanyang mundo at sana ay isa lamang yung masamang panaginip. Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ang balitang yun, hindi pa rin siya makapaniwala na wala na ang pinakamamahal niyang anak na nakaratay ngayon sa harapan niya. Ang nag-iisang kakampi at pamilya niya sa katunuyan ay mas higit na masakit para sa kanya na tanggapin ang pagkamatay ni Chanel. Hindi niya lubos maisip na maging ang natitirang anak niya ay kinuha na din sa kanya.

Tulala si Mrs. Montez habang nakatingin sa walang buhay niyang anak para siyang masisiraan sa reyalidad na kinakaharap niya ngayon.

"Te--teka.. Gumagalaw ang kamay ng anak ko". Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Montez nang makita ang paggalaw ng mga daliri ng kanyang anak. Naalarama naman ang lalakeng nurse at pati ang kasama nito sa sinabi niya.

"Bryan, gumagalaw nga ang kamay niya!". Gulat na gulat na saad ng kasama nitong nurse din.

"The patient is still alive ikabit mo sa kanya ang life support machine". Utos nong nurse sa kasama niya at dali-dali naman nitong ikinabit ang apparatus kay Chanel.

Sa nangyari ay nakakita ng kaonting pag-asa si Mrs. Montez na maaari pang maisalba ang kanyang anak na ngayon ay nasa bingit pa rin ng kamatayan.

-------------------------
Unti-unting minulat ni Chanel ang kanyang mga mata at nakita ang kanyang ina na nasa tabi niya na hawak-hawak ang kamay niya.

"Mom...". Nanghihinang usal ni Chanel at nagising naman ang kanyang ina na nakatulog sa labis na pag-aalala sa kanya.

"Chanel, Anak!". Naiiyak sa tuwa na wika ni Mrs. Montez nang makitang gising na at buhay na buhay ang kanyang anak. Nagpapasalamat siya ng lubos sa Diyos at hindi tuluyang binawi nito ang buhay ng pinakamamahal niyang anak. Sa nangyari kay Chanel ay napatunayan niyang totoo ang tinatawag nilang himala at isa nga ang kanyang anak na nabiyayaang mabuhay sa pangalawang pagkakataon.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon