❤️ CHAPTER 8 The Reunion

474 28 2
                                    

Sunny Pov

Pinili ko ang isang simpleng white dress para sa susuotin ko sa reunion. At Oo ngayong gabi na nga ang pinakahihintay ko eh sa excited ako eh haha.

Ako na mismo ang nag-ayos ng sarili kahit na hindi man ako maglagay ng make up, maganda pa rin ako pero dahil importante sa'kin ang event na 'to kelangan ko maging presentable ano na lang ang sasabihin ng mga ka-batch ko sa Yonhwa di ba? Dapat dyosa pa din ako sa paningin nila. Paninindigan ko talaga ang title ko na the most beautiful campus princess in Yonhwa of all time charoot.

"Masyado mong pinaghandaan ang reunion wifey". Nakangiting sabi ng hubby ko habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Masyadong halata na naglalaway na naman siya sa kagandahan ko lels.

Hinawi ko ang buhok for gandang-ganda effect.

"Dapat lang, I'm not Sunny of Yonhwa University if I ain't beautiful".

Einstein rolled his eyes. Acting kj as ever.

"Palagi mo kong sinasabihan ng conceited pero sa totoo lang ikaw yung mahilig ipangalandakan ang kagandahan mo just wow lang wifey".

"Is it wrong to state a fact?".

"Oo na, Oo na as if kaya kong makipagtalo sayo". Sabay taas ng dalawang kamay nito na parang sumusuko ng makipagdebatihan sa'kin.

"Dami mo ring arte hubby no? Ano yun seasonal ka lang sumasang-ayon tuwing sinasabi ko kung gaano kaganda ang asawa mo?". I rolled my eyes.

Inakbayan ako ni Einstein. Alam na.

"Ui..hindi ah! Wala akong sinabing hindi ka maganda. Kelan ko sinabing panget ka?".

Hindi nga niya sinabi ng sakto pero para naman siyang umaapela. Minsan talaga naiisip ko na epal lang talaga ang asawa ko nang may masabi siya haha.

"Kunyari Oo na lang". Sabi ko.

Napakamot ito sa ulo.

"Tara na nga, ma-late pa tayo sa kakadebate ng kagandahan mo". Natatawa niyang sabi at pinapasok na niya ako sa kotse.

Halos isang oras din ang naging biyahe namin ni Einstein bago namin narating ang venue.

Nasa tapat na kami ng Golden Crown Hotel pinarada muna ni Einstein ang kotse bago kami pumasok. Infairness, halos mapuno na ang parking area mabuti na lang at nakahanap pa kami ni Einstein ng space for sure nang dahil ito sa event namin. Hindi rin biro ang dami ng batch namin sa Yonhwa ah.

"Good evening Ma'am and Sir, welcome to the Golden Crown Hotel". Nakangiting bati nong babaeng receptionist pero sa asawa ko naman nakatingin.

Mukhang pasimpleng landi rin si Ate parang wala ako dito ah.

"Hey miss". I called her attention a lot of times pero nanatiling nakatutok ito sa asawa ko na hindi naman nakatingin sa kanya kundi sa paligid ng hotel kaya tuluyan na akong naasar.

"Stop looking at my husband will you??".

At last nakuha ko din ang atensyon ng gaga. Langya mapapaaway pa ata ako dito.

"So-sorry po Ma'am. Ano nga po yun ulit?".

"Masyado kang nadadala sa kakatingin ng asawa ko pinagmukha mo pa akong tanga sa kakatawag sayo Miss. Ganyan ba ang ginagawa mo tuwing nakakakita ka ng gwapong customer niyo?".

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon