❤CHAPTER 17 Love Hurts

252 17 2
                                    

Sunny POV

Hindi pa man tuluyang sumikat ang araw ay umalis na ako ng bahay at dumiretso sa opisina. Siguro nga ay isa akong masamang asawa at iniwan ko si Einstein na walang paalam. Ibinilin ko na lang siya sa mga kasambahay lalo na't umuwi pa naman yung lasing kagabi. Ang totoo niyan talagang masama ang loob ko at iniiwasan ko siya ngayong makita at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Pinagsisihan ko ang ginawa kong pagsampal sa asawa ko sa katunayan ay nagagalit din ako sa sarili ko.

Pagpasok ko pa lang ng kompanya ay nakasalubong ko si Justine na ngiting-ngiti habang papalapit sa akin.

"KN will arrive here by next week to talk about the collaboration".

I am supposed to be happy of what he said but that only recalled the fight I had with my husband last night.

KN... the cause of our cold war. Great.

"Hey, are you listening?".

Justine seems noticed of my unattentivess.

"That's nice then". I replied at nagpatuloy na sa paglalakad hindi pa man ako nakakalayo nang pigilan ako ni Justine.

Napatingin ako sa kamay niya na ngayo'y hawak ang kamay ko tila narealize niya ang ginawa kaya inalis niya kaagad ito.

"Are you..ok?". Tila nag-aalinlangan na tanong niya.

Napabuntong hininga naman ako at piniling sagutin ang tanong niya useless lang ang pagtatago halata naman kasi sa ikinikilos ko.

"Nag-away kami ni Einstein...morelikely ako ang umaway sa kanya?". Not sure about my answer kasi naman di ba ako naman talaga ang nagsimula sa cold war naming mag-asawa?
I don't know at bakit sinasabi ko kay Justine ang nangyayari sa amin ngayon ni Einstein siguro kelangan ko lang talaga na may mapagsabihan iniiwasan kong ma-stress dahil ayokong madamay ang bata.
Ang hirap pala ng ganito alam mong hindi ka ok pero pinipilit mong maging ok because you don't want to be selfish lalo na't hindi lang ikaw yung nagmamay-ari ng katawan mo.

Sorry baby... Kung nagagalit man ako sa Daddy mo ngayon sana maintindihan mo.

Justine seems speechless after I have shared my problem. It took a minute before he finally spoke.

"Hindi ka na lang sana pumasok. I think it's best for you na wag ka munang mag-trabaho lalo na't may gumugulo sa isip mo".

I get him but if I didn't go to work today that means makikita ko lang si Einstein sa bahay namin and I'm not yet ready to face him kaya nga hindi pa sumikat ang araw kanina ay umalis na ako.

"I don't have a choice Justine". Sagot ko naman na tila naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig matapos ay hindi na siya nagsalita pa at sabay na kaming pumasok sa elevator.

Einstein Pov

"Manang Lordes, where's my wife?".

Bagong gising ako at hinahanap ko si Sunny.
Ah. Shit. Parang minamartilyo ang ulo ko sa sakit.

"Naku sir.. Eh kayo ba'y ok na po? Lasing na lasing po kayo kagabi at nag-away pa kayong mag-asawa". Sagot naman ni Manang Lordes na bakas ang pag-aalala.

"Nag-away?". Naguguluhang tanong ko.

Kaya ba hindi ko makita-kita ang asawa ko dahil sa nag-away kami?

All of a sudden my memories yesterday flashed in a blink of an eye.

Wait..So that means..umuwi ako ng bahay na lasing?

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon