❤️CHAPTER 20 Coincidence

133 11 0
                                    

Justine Pov

"Bro, gabi-gabi ka na ata dito".

I shifted my gaze and I saw Dylan beside me.

"Bakit? Ayaw mo ba? Nagiging loyal customer mo na ako dito". Sabi ko naman at natawa ng mapakla.

Nilagok ko ang panibagong baso ng alak habang tanaw ko naman ang bestfriend ko na may bahid ng pag-aalala sa akin.

"Sabihin mo nga sa akin, may problema ka ba?".

Ibinaba ko ang baso sa bar counter bago ko ibinalik ang tingin sa kaibigan ko.

"Malaking problema".

Sa labas ng bar na to mukha akong ok at walang dinadala na problema pero sa totoo lang masyado akong magaling na magtago ng tunay kong nararamdaman.

Masaya ako... Dapat maging masaya ako pero shit lang at kahit anong pagtatago pa ang gagawin ko niloloko ko lang naman ang sarili ko.

Hindi ako ok Sunny...

"I thought kaya ko siyang kalimutan na magiging ok lang sa akin lahat but hell no... Kami yung unang nagkakilala eh. Ako yung nauna".

Hindi ko na napigilan pang lumuha habang nilalagok ang alak at magpakalunod na lang sa sakit na nararamdaman ko.

"What?? Are you still not over with Sunny?".

Sana kaya ko siyang kalimutan ng ganon ganon lang. I did my best to forget her but it's just too hard whenever I see her mas lalo lang lumalalim ang feelings ko para kay Sunny.

"You know what? My biggest mistake is I just watched her fall for someone else. I was busy being the perfect nephew. Been busy to fulfill my obligations as Atienza".

Masyado akong abala sa expectations ng pamilya ko at pagbabayad ng utang na loob ni hindi man lang ako gumawa ng hakbang para mapansin ni Sunny noon sa halip ay tinatanaw ko lang siya sa malayo.

Matagal ko na siyang mahal...pero ano ang magagawa ko? Huli na ang lahat masaya na siya kay Einstein. Masaya na siya sa binubuo nilang pamilya. Wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko lang. Ako yung naduwag. Ako yung gago na binaon na lang sa limot ang pagmamahal ko sa kanya pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay muli itong nanumbalik nang muli kaming nagkita. Para ano pa at nagkita kami ulit ni Sunny? Gaya ng sinabi ko huli na ang lahat para sa akin.

"Masyado mo siyang mahal bro pero hindi na pwede eh..alam mo yan". Bakas ang awa sa boses ni Dylan habang sinasabi yun sa akin. Alam ko na wala akong karapatan para guluhin ang buhay ni Sunny sa piling ng asawa niya at wala din akong balak na sirain silang dalawa unless if Sunny get hurt then maybe I'll take action for the first time.

MSMME2: You'll Always be my Bobo Girl [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon