Chapter 1

2.8K 41 0
                                    

"Here you go." Zia said as she laid the tray in the table.

"Oh asan ang drinks natin?" tanong ko ng mapansing wala silang dalang maiinom.

Agad naman nagtinginan ang dalawa. "Myr 'di ba sabi ko sa'yo ikaw ang bumili ng maiinom natin?"

"Huh? Akala ko ikaw ang bibili. Pizza lang ang sinabi mo." sagot naman ni Myr.

Napabuntong hininga ako sa dalawa. "Oh cge na, cge na." sabi ko sabay angat ng aking kanang kamay.

"Zia kasi, e." reklamo ni Myr.

"Ako pa talaga ha?" bulyaw ni Zia.

"Cge na, cge na.." ulit ko. Wala ring nagawa ang dalawa kundi maglahad ng kanilang kamay.

"Jan ken pon!" sabay naming sabi.

"See? You lose Myr! Iced tea for me." sabi ni Zia.

"Carrot juice please." I uttered.

"Can we stop doing this? You guys are cheating." Myr grumbled.

"Cheating? Malas ka lang talaga sa rock, paper, scissors," sagot ni Zia. "Now go, buy us some drinks." pagpatuloy niyang sabi.

Naglakad ng nakasimangot si Myr papalayo sa amin. "Zia, 'wag mo ngang iniinis 'yang si Myr. Alam mo namang napakapikon n'yan." sabi ko.

"Bahala siya noh.. Ang arte arte, kung saan-saan kasi nakatingin. Hanap ng hanap sa mga mokong na 'yun. Pati tuloy ang simpleng utos ko kinakalimutan." nakangusong sabi ni Zia.

Here we go again. "Zia naman, ilang taon mo na ba silang kilala ha? At mainit pa rin ang dugo mo sa kanila?"

"Si Pearl lang ang mabait dun. Si Scotch hindi ako sure. Pero 'yang si Rum 'di talaga mapagkakatiwalan 'yan. I'm pretty sure on that. Kaya ikaw, layu-layuan mo na sila. Okay? Andito naman kami ni Myr ha. 'Di mo na sila kailangan." sabi niya sabay akbay sa 'kin.

Umiling ako at ngumiti. "Zia, sa tagal na natin dito. Alam mong ikaw, si Myr at sila lang ang mga kaibigan na meron ako sa eskwelahang 'to."

Una kong naging kaibigan sila Zia at Myr bago sila Scotch. At ever since first year, mainit na talaga ang dugo niya sa kanila. Well, technically kay Rum lang ata. Kapag sina Scotch at Pearl kasi ang kumakausap sa kanya, halos hindi siya makapagsalita. Para bang nahihiya siya. Pero 'pag si andyan na si Rum, ewan ko na lang parang World War III. Wala naman akong maalalang may ginawang masama si Rum sa kanya.

"Ai, you don't need them in your life. Kami ni Myr ay sapat na."

Tinanggal ko ang kanyang kamay na nakaakbay. "Ang dami mong issue.." sabi ko.

She smiled and winked at me, "Think about it.." Napahalakhak ako sa ginawa niya. Nang biglang nagtitiling tumakbo si Myr papunta sa amin. "They're here!"

Agad naman naming nilingon ang direksyong tinuturo niya. Andito na nga sila. Sila Pearl, Scotch at Rum papasok ng cafeteria. Lagi na lang ganito ang eksena sa Haido during lunch break kapag andyan na sila. Parang sasabog ang eardrums ko sa tili ng mga estudyante. Pano ba naman kasi halos lahat ng estudyante ng oras na 'to andito para lang maaninagan silang tatlo.

During lunch break lang kasi silang kumpletong tatlo. Pearl and Scotch already graduated in high school dito sa Kaisei. Both of them are already in college. Pero hindi na dito nag-college si Pearl sa ibang school na. While Scotch choose to stay here in Kaisei.

And for some akward reason, Pearl loves to spend her break time here in Kaisei. Pearl and Scotch are cousins. Magkababata silang tatlo ni Rum. Sila Scotch ang nagmamay-ari ng Kaisei University. Lolo niya ang President ng eskwelahang 'to.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon