"Simula ng dumating si Uno sa buhay mo, nag-abot abot na ang kamalasan sa'yo." dada ni Zia.
As usual, panay tanong na naman ang dalawa tungkol sa nangyari kahapon. We're currently in the field doing some stretching. Getting ready for our activity in p.e.
"Ano ba naman kasi ang pumasok ka kokoti mo at inako mo ang kasalanang hindi mo naman ginawa?" dagdag niya.
"In some way, I feel guilty about it. Kung sinamahan ko siya kahapon baka hindi nangyari 'yun." sagot ko.
"Aiah, para sayo daw." biglang sabi ng kaklase naming si Ariel at may inabot na carrot juice.
"Ha? Kanino galing?" tinanggap ko naman ang juice.
"Kay Uno." sagot niya at umalis.
"Ah Zia, move ka nga ng konti at natatapakan mong buhok ni Aiah." pabiro na sabi ni Myr. "Akala ko ba si Merida to but naging Rapunzel bigla."
Inirapan ko siya at tinignan si Gin na nakatingin din sa'min.
"Myr and Zia your next!" sigaw ng aming coach.
"Yes Coach!" sabay alis ng dalawa.
Maya't maya ay lumapit si Gin. "Ano na naman 'to?"
"Wala lang. Baka nauuhaw ka."
I arched a brow. "If you're going to say something, say it. Huwag mong dinadaan sa juice. At next time, ikaw mismong magbigay hindi 'yung pinapaabot mo pa. But thanks, for this."
I saw him smiled at napangiti din ako sa ngiti niya. "Mahirap ba talaga para sa'yo ang ngumiti?"
"Ha?"
"Alam mo, ilang araw na nga? Simula nung nagkakilala tayo. Bilang ko ata kung ilang beses lang kitang nakitang ngumiti. Una, nung kausap mo 'yung si Megan. Tapos ngayon." sabi ko at umupo sa damuhan.
Umupo din siya sa tabi ko. "Ibig bang sabihin niyan ay lagi mo 'kong tinitignan?"
"H-Hindi ah. Ang lakas kaya ng tawa niyo dun sa resto. Kahit sino makakapansin talaga nun."
He chuckled. "Gwapo ka pa naman sana--"
Shit. Bakit 'yun lumabas sa bibig ko?!
Narinig ko siyang tumikhim. "So, you think I'm good looking?"
"Fine. If you say so." sabi ko at hindi na nakipagtalo pa.
"Well, I'm thinking of dashing or debonaire maybe."
I scoffed. Grabe talaga ang confidence. Ilang tasang kape kayang nainom nito. I was about to pull the ring tab of the can. "Let me--" he said but I cut him off.
"Hindi na. Kaya ko naman." sabi ko sabay bukas ng can.
"Kaya mo? E, ba't 'pag andyan si Scotch, hindi mo mabuksan-buksan ang juice?"
"Ha?"
"Sabihin mo nga may gusto ka ba sa pinsan ko?" diretso niyang tanong.
"Ano? San naman nanggaling 'yan?"
"Whenever Scotch is around, you act more feminine than you are." sabi niya, dahilan upang mabilaukan ako.
"Excuse me? More feminine? Ok ka lang? Anong feminine ang pinagsasabi mo? Teka lang ha, parang kahapon ko pa napapansin. May issue ka ba sa'min ni Scotch?"
"Yes. And whatever your plan is with my cousin, you better stop it. Stop using him. Are you that desperate to become famous? It won't happen. I won't let it." he said and I instantly stood up.
BINABASA MO ANG
His Slave
Romance[HIS #1] Fatty Aiah Lauren is not your typical high school student. She desperately wants to get rid of high school. For some reason, she's older than most of the students. And she thinks that she doesn't fit in the prestigious school. All she ever...