Chapter 45

673 16 0
                                    

"Just forget what happened!" I yelled as I run further from him. Pero kahit anong bilis ko ay naabutan niya pa rin ako. Hinila niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.

"No can do. This day should be celebrated." He slid his fingers to mine, interlocking them tightly. He lifted it up and kiss my knuckles. I smiled at him as he stared at me.

"Let's get you something to drink. I'm sure gutom ka na rin."

Tumango ako sa kanya at nagsimula kaming maglakad papunta ng hotel.

Nang maka-rating na kami dun ay sinalubong kami ni Manang Lidya. "Handa na po ang hapunan n'yo sa may sa pool area sir.."

"Salamat po." sagot ni Gin at nilingon ako. "Tara."

Habang naglalakad kami patungong pool area ay ramdam kong higpit ng pagkakahawak ni Gin sa aking kamay. He pulled out one of the steel chair as he motioned to me to take a sit. At umupo naman ako sa silya. Kinuha niya ang isa pang silya na nasa unahan at nilipat sa tabi ko at agad siyang naupo.

Marahan akong natawa. Tinignan niya ako na tila nagtataka sa aking reaksyon. Nilagay ko ang aking kamay sa ibabaw ng kamay niya. "Relax Gin. I'm here now. I won't go anywhere. I promise.." as I gave him a smile.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. Kinuha niya ulit ang aking mga kamay at hinalikan ang mga 'to.

Habang kumakain na ako ay nanatili pa rin siyang naka-titig sa 'kin. Nagkunot ako ng noo. "Gin please eat.. Hindi na talaga ako aalis ulit. Promise. Kumain ka na, hindi ka ba gutom?"

"Hindi ako sa pagkain gutom."

"Ha? Bakit may ibang gusto ka ba? Ano bang gusto mo?" taka kong tanong.

"Ang atensyon mo." sagot niya at mabilis kong tinakpan ang aking mukha ng aking mga palad. Marahan akong umiling at napa-ngiti. "Corny.." mahina kong sabi.

"But it worked.."

"Oo na. Oo na. Kain na tayo, okay?"

He chuckled a bit. "Okay.."

I think I'm forgetting about something. Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko na 'to. "Si Scotch? Nasan si Scotch?"

"He just left.. Nung dumating ako, umalis na rin siya pabalik sa 'tin. He just made sure that I'd come."

"Tss.. Hindi man lang nagpaalam sa 'kin." sabi ko at nag-astang nalungkot.

But instead of sounding that I was joking. I felt Gin was affected by what I said. He looked disappointed. "Gin.." I soothingly said.

"I know. I'm sorry. I'm being paranoid. It's just that, mas close pa kayo kaysa sa 'kin. The fact that he knew all along where you are.."

I bit my lip. I need to reassure him, that it's only him. Kasalanan ko rin naman kung ba't ganito ang nararamdam niya. Lalo na at dati pa man ay pinagseselosan na niya si Scotch.

"It's my fault. I told him not to tell anyone else where I am, lalong-lalo na sa'yo. I'm very sorry. Please forgive him? And also, it's been only you and no else. Alam mo namang matagal na kaming magkaibigan ni Scotch at hanggang dun lang 'yun.." I said, reassuring him. "Besides, wala ka sana dito ngayon sa tabi ko kung 'di dahil sa kanya.."

"Yeah I know. Pero mali pa rin 'yung ginawa n'yo sa ryokan.."

"Ryokan? Nung birthday ni Pearl?"

"When he kissed you.."

Di ko napigilang matawa. "He was just teasing me.. He only kissed me on the nose."

"More like teasing me." he replied.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon