Chapter 16

780 24 0
                                    

"Ok lang ako ma. Po? Opo, kumain na po. Sige po, ingat po kayo. Love you din po." I ended the call. I really need to get a new phone. Hindi ko na masyadong naririnig ang kausap ko sa kabilang linya.

I heavily sighed as I sit in the couch. Buti nlng talaga at matatagalan pa ang pagbalik ni mama sa conference. Baka naman sa araw na 'yun ay magaling na 'tong mukha at paa ko.

Nagtaxi ako papauwi galing sa condo ni Gin. Hindi ako nagpahatid sa kanya at baka lalo lang akong mainis sa mga words of wisdom niya na out of nowhere. May topak talaga. Iba din siya mag-isip ha. Baka sa sobrang yaman niya, naghirap ang utak. Bahala siya. Buti sana magkasakit siya sa ginagawa niya!

Nang tumunog ang door bell. I slowly walk to the door. "Anong kailangan mo?" tanong ko ng mabuksan na ang pinto.

"Kumain ka na ba? Dinalhan kita ng pagkain. May dali din akong mga prutas."

"Hindi ako nakaconfine. Kaya ko ng asikasuhin ang sarili ko. 'Wag mo ng pagudin ang sarili mo."

"Aiah gusto ko lang makatulong. Lalo na, na ikaw lang mag-isa dito."

"I'm trying to be mature here. Ok?"

He sighed. "Please Aiah, let me take care of you."

"I said it's fine." I was about to close the door when he grab me by my wrist. "Ang tigas talaga ng ulo mo---" Hindi na siya nakapagpatuloy sa sasabihin niya ng humandusay na siya sa sahig.

"Kuya!" sigaw ko at lumuhod para tignan kung ok lang siya.

"Kuya?" tanong ni Gin na sumuntok kay Alex.

"Baliw ka ba? Ba't mo siya sinuntok?!"

"I thought he was your asshole boyfriend--" sabi niya't ngumisi bigla. "Boyfriend?!" sabay naming sigaw ni Alex.

"You know what, bahala na kayong dalawa. Kung gusto niyo pang magsapakan, 'wag dito sa unit namin." I said and stood up.

"Aiah--" sabi ni Gin at tinabing ko ang kanyang kamay. Pumasok na ulit ako sa aming unit.

Anong problema niya't bigla nlng niyang sinuntok si Alex? Hobby niya ba ang manuntok? I groaned as the bell rings again and again. Bahala kayo dyan, kahit mapudpud pang daliri niyo kakapindot. I went to my room and locked myself up.

》》》

"Hindi ka raw kumain. Ano bang gustong kainin ng aking prinsesa?"

Napangisi ako sa pagkakasabi ni Papa, ang cute. Magaling na naman siyang magtagalog pero andun pa rin ang english accent niya. "Gusto ko ng isda, Da." sagot ko at hinaplos niya ang aking noo.

"Isda na naman? Hindi ka ba nagsasawa dun?" Umiling ako ng nakangiti.

"'Yun ba talaga gusto mo?"

"Opo. Dapat 'yung mismong huli mo ha."

"Oo. Alam ko. Hindi ka naman kumakain ng isdang hindi ko huli e. Pagaling ka na, para may makasama na akong mamangka." sabi niya't ngumiti ako. "I love you Da."

"I love you too my Princess Emerald." sabay halik sa gilid ng aking ulo. "Hintayin mo pagbalik ko ha." sabi niya at tumayo.

"Opo Da. Ba bye." sabi ko at kumaway sa kanya habang papalabas na siya sa kwarto.

"Bye my Princess Emerald."

'Wag da. 'Wag kang umalis!

"Da!"

It's only a dream Aiah. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang aking pawis. Nang tumunog ang door bell. Sinuot ko ang aking salamin at dahan dahang naglakad palabas ng kwarto.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon