Chapter 26

572 24 0
                                    

When the classes started, agad ding sumalubong sa 'min ang malungkot na balita. Lilipat na ng States sila Zia for good. This is all a sudden. She didn't even tell us anything about this. Na may plano pala silang umalis. We tried to contact her but we're just being ignored. This would be a big change for us. Sanay na kasi kaming tatlo ang magkakasama.

Ngayong wala na si Zia, I need to be okay for Myr, kahit alam kong mahirap. Baka kasi 'pag naging problemado pa ako mas lalong lulungkot si Myr. Ayaw kong dumagdag sa aalahanin niya. And also, I didn't tell her about what happened last vacation. Ang sabi ko lang sa kanya ay sobrang nag-enjoy ako sa party.

Since the day Aly and Gin started dating, wala ng gumugulo sa 'kin. Hindi ko na rin naabutang marumi ang locker ko. Ganun ba talaga kalaki ang galit nila sa 'kin nung kami pa ni Gin? And now, that he's with Aly. Okay na sa kanila? Na natahimik na ang kaluluwa nila?

Days past, I tried my best to act normal. Just like before. After class, uwi agad ako ng condo. Hindi na rin ako nagpupunta sa music studio dahil alam kong andun din sila Gin. Ngayon na wala na rin Scotch, it'll just get awkward.

And this time Gin's not in our section anymore. Mas mabuti na din 'yun kaysa nasa iisang silid lang kami tapos hindi magkikibuan. Siguro kong may pagkakataon man na magkita kami ay during lunch break. Okay lang, ilang minuto lang din naman 'yun. Basta't hindi na lang ako titingin kung nasan man siya nakaupo. It will do. Out of sight, out of mind.

"Akin na nga 'yan Javi.." sabay abot ko ng canned juice na inaangat niya. "Isa." inabot ko ulit 'to. Habang siya naman ay tawa lang ng tawa. I eyed him. Curse his long arms.

"Will you two stop? At baka may matamaan pa kayo." saway ni Myr na nakatingin sa 'min habang nag-aagawan sa juice.

"Si Javier kasi.. Akin na sabi. Ang kulit talaga nito."

Tumawa siya. "Abutin mo nga muna. Ibibigay ko 'to 'pag naabot mo." I'm already 6 ft tall but he's taller than me. Lalo na kapag tinaas niya ang kamay niya hindi ko na talaga 'to maabot pa.

I tried to reach for it again. Nang napalingon siya sa kanyang likuran mabilis akong tumalon para maabot to habang nasa iba pa ang atensyon niya. Napangisi ako ng sa wakas ay naabot ko na 'to. Nang bigla na lang siyang humarap sa 'kin, dahilan upang ma-out of balace ako sa pagkakabagsak ko. Napasandal ako sa kanya at dahil sa mabilis ang pangyayari ay hindi na rin siya nakaipon ng sapat na lakas para manatiling nakatayo kaya pareho kaming bumagsak. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang braso ko para manatili na nasa ibabaw niya. Agad ko siyang hinampas sa kanyang dibdib. "Tignan mo 'tong kagagawan mo!" sabi ko sa kanya. We stayed silent for a sec at natawa din agad.

"S-Sorry." he chuckled in lines.

"Sira ulo ka talaga, no."

He smiled and stared at me intently as he tuck my hair under my ear. "Jav?" tawag ko sa kanya ng nananatili pa rin siya nakatitig sa 'kin.

"Ah guys? I think you better get up now." Myr butted in. Nang makita naming may nakatayo sa aming harapan. Agad kaming tumayong dalawa. Mabilis kong pinagpag ang aking skirt. "Sorr--" sabi ko at nakitang sila Gin at Aly pala 'yung dadaan. Tumikhim ako.

"Pasensya na brad." sabi ni Javier.

Agad naman akong yumuko para kunin ang orange juice sa sahig. Gin didn't say a word and just walk pass by us. I went back to our table and sitted. "Alis na lang tayo?" tanong ni Myr na nakatingin sa 'kin. Agad akong umiling. 'Hindi. Okay lang." ngiti ko. "Kain na tayo."

Ilang buwan na lang din naman at hindi na rin kami magkikita ulit. Titiisin ko na lang. Kaya mo 'yan Aiah. Ikaw pa, sanay ka na.

I was walking at the corridor when I saw Angel's group left Aly on the ground picking her things scattered on the floor. What's happening? Ba't hinayaan lang siya ng mga kaibigan niya. I even saw Angel shouting at pointing at her. Are they fighting? Hindi ko na rin sila nakikitang nagsasama. What's even bothering me is that Aly left the cheering squad. Why would she do that? Napakasaya nga niya nung sa wakas ay nakapasok na siya sa team. And now she just left suddenly.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon