Chapter 6

776 21 0
                                    

"Um.. san ba tayo pupunta?" tanong ko. Pagkatapos nung last set nila kanina ay nag-text siyang may pupuntahan daw kami. Nasa iisang kwarto lang kami, hindi pa masabi-sabi. Kailangan pa talagang e-text.

Sinabihan ko sila Myr na may pupuntahan kami kaya mauna na lang sila. Kahit ayaw pang umalis ni Zia ay hinila na siya ni Myr.

Hindi siya umimik at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Nasa hallway na kami ng marami ng nagtitinginang estudyante sa'min. Well, I mean sa kanya.

Nang nilingon niya 'ko. "Will you walk straight? At 'wag kang maglakad sa likuran ko. Hindi bagay sa'yong maging tuta."

Inirapan ko lang siya. E anong gusto niya nakasunod akong sampung kilometro ang layo namin sa isa't-isa? When he suddenly pulled me beside him. "Oh."

"That's better." sabi niya at nagsimula kaming maglakad.

"Ui Gin, san ba kasi tayo?" tanong ko ng nasa parking lot na kami. Huminto siya bigla dahilan upang mabangga ko siya.

"Aw." I took a step backward to give us some space. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Do you have your shorts on?" he blurted out.

"Huh?"

"Is motorbike okay with you?"

I scratched my head with confusion. "Huh?" For the second time. Then he started to walk again. Huminto siya sa harap ng HD motorbike. Kinuha niya ang helmet dito at binato sa 'kin.

"Wear it."

"W-Where are you taking me?"

"To eat. I wasn't able to eat well during lunch. I loss my appetite." May loss appetite pang alam e, nasa phone lang siya nakatunganga buong lunch.

"Sa cafeteria. Ayaw mo?" I suggested. He shook his head. "I don't like the food there."

"E ang bike ko."

"Don't worry. It wont take long." Napahinga na lang ako ng malalim at sinuot ang helmet. Then he ride on his bike and ignited the engine then he revved it a few times. "Ikaw? Aren't you gonna wear any?" tanong ko.

"Im fine, besides I only have one. Hop in."

Nah. Don't worry about it Aiah. He's connections, remember.

"Ah--" I gulped. I haven't ride a motorbike in my life. I was having trouble getting on it.

"Pano ba to--"

"Here." he said and held my hand. Agad naman akong umangkas sa kanyang motor at humawak sa may likuran. Bahagya siyang lumingon sa akin. "I won't hold there If I were you."

"Huh? S-San ba?" utal kong sabi. Alangan naman na pumulupot ako sa kanya. Baka ano na naman ang isipin niya. He suddenly grab my hand and wrap it around his stomach. Napalunok ako sa ginawa niya. I lightly grip his stomach. Ngunit nananatili pa rin ang distansya ko sa kanya.

"Will you hold on to me close and tight? Bilisan mo't gutom na ako." sabi niya na tila naiinis na. Hindi na ako nakipagtalo pa't nilapit ko nlng ang sarili ko sa kanya at hinawakan siya ng mahigpit. I don't want to debate with him anymore. Iba magalit ang gutom. I know how it feels.

As the motorbike zoomed forward through the campus gate. Even though I'm wearing a full face helmet, I can clearly see how the students are staring at us. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakawahak ko sa kanyang tyan.

And I can feel his abs shouting.

Nakahinga na ko ng maluwag ng nakalabas na kami ng campus. I don't like getting people's attention. Lalong lalo na sa mga taong halos tinatapakan ka na sa mga isipan nila. Na kahit hindi sila magsalita makikita mo sa mga mata nila kung gaano kaliit ang tingin nila sa'yo. Hindi naman talaga ako napapansin dati sa campus.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon