"You lied." I said, giving her the most serious face I could come up with. I gritted my teeth to stop myself na maawa agad sa kanya. Kahit sobrang kunot na ng blouse niya sa kakakuyom nito.
"T-Techically, h-hindi naman talaga ako nagsinungaling sa'yo. Hindi ko lang nasabi kaagad. I want to tell you personally." Myr replied, stuttering.
Aba at nagpapalusot pa talaga ang babaeng 'to. Tinaasan ko siya ng kilay. "How about if I decline your offer? At sa ibang kompanya ako pumirma." panakot ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya niya sa sinabi ko. "Aiah naman e! Sorry na please..." pagmamakaawa niyang sabi.
"Tingin mo ba talaga madadaan mo 'ko sa sorry mo Myr? Alam mo ba kung ano ang ginawa mo? Parang binenta mong sarili mong kaibigan. And now you're wondering kung ba't hindi ko sinabi sa'yo kung san ako nagtatago for six years. It's because of this. Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan."
I know I sound harsh, but it's the reality. We're friends, I know. Pero meron na meron talagang ugali ang kaibigan mo na hindi gaanong kagandahan at eto 'yung sa kanya. You just have to let her know para ma-aware naman siya. Mabuti ng manggaling sa 'kin kaysa sa iba pang tao. Makokonsenti ko pa dati e. Because we were too young back then. Pero iba na ngayon, matanda na kami.
"Sorry na please Aiah... Importante lang talaga sa 'kin ang project na 'to."
I took a sip of my coffee. "Ba't ba kasi ako pa? Ang daming ibang qualified na models dyan. Ba't ako pa ang pinili mo?"
She suddenly cleared her throat and gulp some water. "He wants you."
I pursed my lips. I just can't believe it. This is so unbelievable. "Ano na naman ang pakulo ng boss mo? You know what, you don't have to answer dahil hindi ako pipirma ng kontrata sa kompanya n'yo." I said and stood up. "Call me again when it's your off." sabi ko bago tuluyang naglakad.
Ngunit mabilis niya akong pinigilan at hinawakan ang bag ko. "Aiah please..." she plead with a sad look on her face. "H-He will fire me if hindi kita mapapayag."
Napaawang ang labi. "What?! He said that?"
Marahan naman siyang tumango. Wow. Just wow. Pinanindigan pa rin talaga niya ang pagka-demonyo niya.
》》》
"Why don't you just work for me? You can be my assistant. We don't have to do this." bulong ko. Nasa conference room kami, hinihintay ang boss niya. Hindi naman siya late medyo napaaga lang ang dating ko. Ewan ko kung bakit. Siguro, para mabago ko pa ang isip ni Myr. O baka, natetense lang ako.
"Aiah you know this is what I want. This is my dream." Inirapan ko siya. Ba't kasi sa kompanya pa niya. Ang dami pang ibang kompanya dyan.
Tumayo si Myr sa pagkaka-upo. "I'll be back. Baka andyan na sila." I nodded in response.
Kinuha ko ang bottled water sa mesa at binuksan 'to. As I was drinking, ramdam kong panginginig ng kamay ko. Ano bang nangyayari sa'yo Aiah? Kumalma ka nga. This wasn't the first time, nagkita na kayo noong nakaraan. Just act normal. Hindi ikaw dapat ang ma-intimidate, wala kang ginawang masama. And also, it was a long time ago. Everyone has moved on. Kaya ikaw, kumalma ka lang.
When suddenly the door swung open. Agad akong tumayo. Unang pumasok dun si Myr at iba pang mga kasamahan niya. Habang paisa-isa silang pumapasok ay yun ding paglala ng kaba ko. And then there he is, wearing an ash gray blazer with a white body fit v-neck shirt under it and paired with khaki pants. Huminga ako ng malalim habang naglalakad siya papalapit sa 'kin. His eyes were like glued at me. Hindi siya bumibitaw ng tingin sa 'kin. Hanggang sa nagkalapit na kami. Halos isang metro lang ang layo namin sa isa't-isa. He smiled. Pero hindi ako nagpatinag sa ngiting aso niya. "Mr. Monteverde, hi. Thank you for inviting me." I said, calmly as I offered my hand to shake. Agad kong nakita ang pagkunot ng kanyang noo. Pero tinanggap niya pa rin ang kamay ko. "Miss Aia--"
BINABASA MO ANG
His Slave
Romance[HIS #1] Fatty Aiah Lauren is not your typical high school student. She desperately wants to get rid of high school. For some reason, she's older than most of the students. And she thinks that she doesn't fit in the prestigious school. All she ever...
