Chapter 13

627 24 0
                                    

"Siya pala ang papalit kay Viah?" tanong ni Myr na nasa likod ko habang hinihintay pa namin ang aming guro.

"Ah Oo.."

Pasimple kong tinignan si Gin. Ilang subjects ng nagdaan ngunit hindi niya pa rin ako kinikibuan. Hindi ko rin naman siya matanong dahil kapag may vacant time seryoso siyang nakatuon sa kanyang cellphone. Baka madistorbo ko lang. Hindi kasi ako sigurado. Baka paranoid lang ako. Baka hindi naman talaga siya galit sa 'kin. Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin. Sabay din naman kaming uuwi mamaya.

"Infairness sa Javing 'yun ha, may itsura. Akalain mo 'yun third year na din pala siya. At classmate pa sila ni Rum. Hindi halata sa mukha niya. Napaka-baby face naman kasi ni Javi." pabirong sabi niya.

Nginitian ko siya. Sabi na nga ba e. "Pero hindi mo talaga sinabi sa'min ang nangyaring 'yun ha. Ang hilig mo talagang pumasok sa gulo." pagpatuloy niyang sabi.

Kaya nga di ko sinabi dahil dito. Sermon ang aabutin ko sa dalawa. Lalong-lalo na sa isang 'to. Kung umasta daig pa si mama. "Alam mo minsan naiisip ko, pati ba kung ilang beses akong tumae sa isang araw ay dapat sabihin ko sa inyo. Pwede ba, tigil tigilan niyo ako ni Zia. Kaya kong sarili ko."

She rolled her eyes. "Whatever Aiah. E anong nangyari sa isang 'yan." sabi niya't tinignan si Gin. "Ginalit mo na naman ba?"

"Hindi ah.. Hindi ko alam kung anong problema niya. Kanina pa nga 'yan, hindi ako kinikibuan. Kakausapin ko na lang siya mamaya. Sabay din naman kaming uuwi."

"Akalain mo 'yun, tutulungan ka niya sa goal mo. Swerte mo ha ang gwapo ng trainer mo." sabi niya't kinindatan ako.

"Suplado naman."

"Pero gwapo."

"Oo na.. Oo na." sabi ko para matahimik na siya.

"See? I told you. Kaibiganin mo. E di tingnan mo ngayon, tinulungan ka pa."

"Oo na nga diba?"

"So?"

"So?" ulit ko. Tumikhim siya bago nagsalita. "About the Aquatic?"

I rolled my eyes. "Hindi pa rin ba tayo move on sa topic na 'yan?"

"Bakit na settle na ba? Di ba, hindi pa. Dahil ayaw mong sabihin ang nangyari dun."

Napabuntong hininga ako. "Dark blue Speedo." ang tanging sinabi ko. Nang bigla siyang tumili. Agad kong tinakpan ang kanyang bibig. Lahat ng kaklase namin ay napatingin sa'min, pati si Gin. Nginitian ko lang sila. "Umayos ka nga." sabi ko sa kanya't tinanggal ang aking kamay.

Lumapit naman si Zia sa'min. "Hoi! Ano bang pinag-uusapan niyo?" tanong nito at may binulong si Myr sa kanya. Umirap lang siya. "Akala ko naman kung ano na."

At ilang tanong pa ang natanggap ko tungkol sa mga nangyari sa Aquatic at sa condo. While I was telling them what happened, I glanced at Gin, but still no reaction from him. I let out a sigh. I wonder what his problem now.

Pagkatapos ng aming klase ay nauna na akong lumabas sa classroom. I needed to go the ladies room. Nang nakalabas na ako ay sumalubong sa 'kin si Javi. "Oh.. Javi?"

"Hi. Pauwi ka na ba?"

"Oo, e. Bakit may kailangan ka?"

"Magpapasama sana ako na maglibot sa Kaisei."

Nang may biglang bumunggo sa likuran ko. "Gin.." sambit ko ngunit hindi niya ako nilingon at patuloy siyang naglakad.

"Ano kasi Javi, hindi ako pwede ngayon. May lakad kasi ako. Sige ha, maiwan na kita." paalam ko sa kanya.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon