Inuubos niya talaga ang iniipon kong pasensya. Pagkalabas ko ng resto ay agad akong pumara ng taxi. Alas sais na ng gabi at kukunin ko pa ang bike ko sa Kaisei. Hindi na talaga ako sasama sa kanya kahit kailangan!
Akala ba niya na hindi na ako galit sa kanya dahil sa sinalo niyang sampal ni Angel?! At tsaka hindi ko naman sinabing gawin niya 'yun.
Kung gusto lang naman pala niya ng makakasamang kumain, aba andun sa Kaisei. Lahat ng babae dun nagkakandarapa sa kanya. Kung hindi naman dun siya sa dwendeng babaeng 'yun. Bahala siya kung magsumbong siya sa lolo niya! Wala na akong pakialam sa kanya. Mas gugustuhin ko pang ma-expel kaysa magtiis sa ugali niya!
Hindi ko na pinapasok pa ang taxi sa campus at nilakad ko nlng hanggang sa parking lot. May mga nakikita pa naman akong mga estudyante sa campus. Agad kong kinuha ang aking bike at sumakay dito.
Binilisan ko ang pagpedal palabas ng Kaisei. Kapag medyo late na, sa may park ako dumadaan, shortcut kasi 'to patungo sa condo building. Kapag maaga pa naman, sa highway ako dumaraan. May kalayuan ang condo building namin kapag sa highway ako dumadaan para kahit papaano ay nkaka-exercise din ako sa pagbibike.
Ang hindi ko lang gusto kapag dumaraan ako sa park ay medyo may kadiliman dito. Hindi na rin kasi pinalitan ang ilaw ng mga poste dahil malapit na rin gawing commercial establishment ang park.
When I passed through the park ay naaninag ko na sa unahan ang isang convenient store. Nang may nakita akong lalaking tumatakbo patungo sa direksyon ko.
"Snatcher!"
Huminto ako at tinitigan ang lalaking nakahood na papalapit sa 'kin, may dala dala siyang pink na wallet. Tinitigan niya ako sabay sigaw ng "Tabi!"
Agad akong bumaba sa bike at mabilis na tinapon ang bike sa kanya. Sa lakas ng pagkakatulak ko ay natumba ang lalaki at tumilapon ang kanyang hawak na wallet. Mabilis kong kinuha ang wallet.
"Sira ka ba?! Ba't mo ginawa 'yun?!" tila galit na sabi ng kakarating lang ng lalaking mukhang kasing edad nila Myr.
"Sa'yo ba 'to?" tanong ko sabay lahad ng pink na pitaka.
"Mukha ba akong mahilig sa pink?" sarkastiko niyang sabi.
Dahil ba sa lalaki, hindi na pwedeng magustuhan ang color pink? Then I heard my bike was tossed. Bumangon ang snatcher at agad tumakbo ng mabilis papalayo samin. Aakma na sana siyang tumakbo ngunit pinigilan ko siya.
"Wag na. Delikado na sa may park at di mo na rin maabutan 'yun." sabi ko't binigay sa kanya ang wallet.
"Iho--" sabi ng matandang babae na may kasamang bata na kakarating lang. "Nahabol mo ba?" pagpatuloy nitong tanong at lumingon sa 'kin.
"Ah nakatakas po e. Pero eto po 'yung pitaka niyo oh." sabi ng lalaki at inabot ang pitaka kay lola.
"Ipa-blotter po natin." swestyon ng lalaki.
"Naku iho, gugustuhin ko man pero malayo pa kasi ang amin at tsaka inaantok na rin ang apo ko."
Nagkamot naman ng ulo ang lalaki. "Ay ganon po ba."
"Maraming salamat talaga iho ha." sabi ng lola. "Okay lang po at tsaka hindi naman po talaga ako ang nakabawi ng pitaka niyo." sabi niya't nilingon ako. "Siya po."
"Ah ganon ba, maraming salamat ha, iha. Hindi ko na alam kung tuluyang nakuha 'tong pitaka ko."
"Walang ano man po."
"Sige po alis na po kayo at madilim na. Wag na rin po kayong dumaan sa lugar na 'to." sabi ng lalaki.
"Oh sige at alis na kami. Maraming salamat talaga. Ingat din kayong dalawa."
BINABASA MO ANG
His Slave
Romance[HIS #1] Fatty Aiah Lauren is not your typical high school student. She desperately wants to get rid of high school. For some reason, she's older than most of the students. And she thinks that she doesn't fit in the prestigious school. All she ever...