Chapter 23

516 27 0
                                    

It's already summer vacation. At halos isang buwan na kong hindi lumalabas ng condo. Palagi lang akong nakamokmok sa kwarto ko. I turned off my phone since the summer vacation started, I don't want to talk to anyone at all. My friends visits me once in a while, minsan hinaharap ko sila pero mas madalas, hindi. My excuse were always I'm not feeling well, o di kaya ay I'm pretending to be asleep.

Lumabas ako ng aking kwarto upang kumuha ng tubig ng marinig kong may kausap si Mama sa kusina. Hindi ko sila binalingan ng tingin at nagtungo diretso sa may ref upang kumuha ng tubig. I grab the pitcher filled with water and place it on the counter and I grab a glass. Nagsalin ako ng tubig ng magsalita si Mama. "Hindi ka ba kakain, nak? Nagdala ng steamed fish ang kuya mo.. Paborito mo 'to di ba?" sabi niya sabay tingin kay Alex.

Huminga ako ng malalim. "Busog pa po ako."

"Busog? Ni hindi kita nakitang kumain sa araw na 'to. Nangangayayat ka na. May problema ka ba? Pati ang mga kaibigan mo, nag-aalala na sa'yo. Nag-aalala na kami sa'yo."

"Ma okay lang talaga ako. Wala lang talaga akong ganang kumain."

"How about fruits---" Aalis na sana ako ng bigla siyang humarang sa dinadaan ko dahilan upang mahulog ang dala kong baso at ang oranges na hawak niya.

"Ma---" Shit.

Sabay kaming yumuko para ligpitin ang basong nabasag. "Wag niyo ng galawin 'yan at baka masugatan pa kayo." sabi ni Alex at natayo upang humanap ng walis.

"Mama kasi e. Ang kulit! Kakain naman ako 'pag gutom na 'ko!" sigaw ko.

"Aiah!" saway ni Alex at lumapit sa 'min. "Sumusobra ka na ha! Ano bang nangyayari sa'yo?"

Agad naman siyang nilapitan ni Mama at pinigilan na makalapit sa 'kin. "Alex.." sambit ni Mama at marahang umiling.

"Hindi Ma, e. Nagiging bastos na siya. Is that what you learned in attending a prestigious school? Nagiging bastos ka na!"

Napaawang ang labi ko. "Ano?! Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganyan? May alam ka ba tungkol sa mga nangyayari? Di ba wala? Kaya wag kang umasta na alam mo ang lahat. Dahil wala kang alam! At saka, bakit ka pa ba pumupunta dito? Di ba umalis ka nun? Anong nangyari? Dahil ba nakuha mo na ang gusto mo sa matapobreng lolo mo kaya ka bumabalik--"

Hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng maramdam kong hapdi ng mukha ko sa pagkakasampal sa 'kin ni Mama. Hinawakan ko ang aking kaliwang pisngi at agad tumakbo papunta sa aking silid.

"Aiah!" tawag sa 'kin ni Mama. Ngunit hindi ko na siya pinakinggan pa.

I locked myself in my room. After what happened last night, hindi na ako lumabas pa ng kwarto. Ilang ulit ding kumatok si Mama pero di ko siya sinasagot.

"Aiah.. Aalis na si Mama. Medyo matatagalan ang pagbalik ko. Pero may hinanda na akong mga pagkain sakaling gutumin ka. Initin mo na lang, okay? And also, I already ask your brother to look for you, once in a while. Habang wala ako... Aiah, I love you. Okay? Always remember that."

I buried my face in the pillow as I heard the main door closes. When my hair was blocking my vision I tuckled it in my ear. Nang mahawakan ko ang aking buhok ay ramdam ko na ang pagka-oily nito. I really don't remember when was the last time I took a shower. Ayaw ko mang maligo pero parang kailangan na talaga.

I took off my dirty clothes and wear my robe. When suddenly the door bell rings. Ilang saglit pa ay hindi pa rin 'to humihinto.

"Ma! May tao! Pakibuksan--" I rolled my eyes. I forgot she already left. I went out of my room to answer the door.

"Saglit lang--- S-Scotch?" sabi ko ng mabuksan na ang pinto.

"Hi..." he said with a smile plastered on his face.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon