Chapter 1

3.2K 23 0
                                    


"Dani wake up!" Gising ni tita Cassandra sa akin.

Tinignan ko ang orasan at nakitang 6:00am na pala! late na ko! Mabilis akong nag bihis at kinuha ang susi ng sasakyan. Nandito ako sa bahay ng tita ko sa Laguna at pupunta pa akong Taft siguradong late na ako nito.

"Good morning tita!" I kissed her cheeks "You don't have work today?" Madalas kasi syang nasa Manila dahil sa trabaho.

"I have, pero mamaya pa ako aalis." She smiled. "Pinadala ko nalang sa sasakyan yung pagkain mo and Riain will drive you to school since late na kayo." Sabi nya at tinuro ang bihis na at nag hihintay kong kapatid. Nag paalam na kami at umalis na agad.

"Bakit kasi late gumising e." masungit na sabi ni kuya Riain. Umirap nalang ako at kinuha ang pag kain ko. Honestly, hindi ako nakatulog kagabi kasi kinakabahan ako pumasok. It's my first time na mag-aral sa Maynila at hindi ako sanay sa ganoong environment. But kuya promised me to help kung nahihirapan ako.

At dahil sa sobrang traffic we decided na sumakay nalang sa train, we parked at the nearest fast food chain at mas mukhang napasama pa ata ang ginawa namin dahil sa sobrang daming tao dito. Umaga pa lang pawis na pawis na ako! When we arrived at vito station nilakad nalang namin papuntang La Salle!

I went to my first class at Political Science ang una naming subject. It's a 3hr class so sana hindi boring.

"So are you Ms. Alvarez?" tanong ng gwapo naming prof. oww okayyy..

"Yes sir. Sorry I'm late." tumungo ako bilang paumanhin.

"Since first day lang naman it's okay Ms. Alvarez and I understand na sobrang traffic talaga. Uhm sit beside Mr. Rivero" Utos nito. Hinanap ko agad ang bakanteng upuan at nakita ko ito sa right side, second row. Nandun si yung sinasabing Mr. Rivero na mukhang seryoso.

"Hi!" I smiled at him. I wanna make friends so sana maging mabait ka sakin.

"San ka galing miss? mag ayos ka naman ng buhok mo." He said at tumingin na sa harapan. Bwiset naman kausap ang isang to. I simply looked myself in my mirror at magulo talaga buhok ko. Sinuklay ko nalang gamit ang kamay ko.

"Nagpapaganda pa, makinig ka na kay sir." He smirked. Inirapan ko nalang sya. Tss ayoko makipag kaibigan sa mga mahahangin na katulad neto. Akala mo naman gwapo, pero gwapo nga.

"So for this term we will be having group activities and I already made groupings for this section hanggang sa matapos ang buong term natin." At nag simula na sya mag tawag ng pangalan. Wala akong kakilala so Lord please sana maayos kagroup ko.

"Dainielle Simone Alvarez, Sophia Cruz, Anton Dela Cruz and Ricci Paolo Rivero for group 4" I looked for my group mates at nakita kong may kumaway sa akin na maputi at matangkad na babae, for sure ayun si Sophia. I waved back.

"Ohh kagroup pala kita miss, sa sunod mag ayos ka naman para presentable tignan yung group natin." Natatawa sinabi ng katabi ko.

"Kung ayaw mo ako ka group sabihin mo na agad kay sir o kaya humanap ka ng iba mong ka group. okay?" Bulong at may diin kong sinabi sakanya. Nawala ang ngisi nya at bumaling nalang sa harap.

Mabilis na tapos ang klase namin dahil orientation pa lang naman. Lumabas agad ako sa room para makalayo na kay Rivero.

"Dainielle!" tawag ni Sophia. Nilingon ko sya.

"Hi!" Simple kong sinabi. Nahihiya na ako dahil feeling ko ang baho baho ko na! ugh!

"Uhm saan ka pupunta? I'm new here kaya konti pa lang kakilala ko, at yung bestfriend ko sa sunod na class ko pa makikita. Is it okay kung sumama muna ako sayo?" She smiled.

"Uh yeah sure! bago lang din ako. And uh punta lang ako sa comfort room." Sabi ko. Sumama nga sya sa akin at mukhang makakasundo ko si Sophia dahil mabait sya at hindi gaano mahiyain.

Mabilis naman natapos ang sunod kong klase and luckily halos lahat ng subject namin ni Sophia ay mag ka parehas! And I met her bestfriend na si Dana Elizabeth.

"Hi you are Dainielle right?" Maligaya nitong tanong.

"Yes, you can call me Dani nalang." Sabi ko sakanya at kay Sophia.

"Do you have a condo na ba or dorm here?" Tanong nito saakin.

"We have a condo unit pero hindi pa kami nakakalipat ni kuya." I smiled.

"Kuya?" tanong ni Sophia.

"Uh yeah, kuya Riain" I answered.

"Riain? wait? so ikaw pala yung kapatid nya??" Maligayang tanong ni Dana. "OMGGG" sigaw nito at niyakap ako. Medyo naguluhan ako pero naliwanagan din ng may dumaan na grupo ng lalaki.

"Hi Dana!" Rivero... again?

"Hi!" Tili nito.

"She's a fan." bulong ni Sophia. Fan? of what? nakita ko din na kasama nya si Kuya Riain kaya siguro kilala ni Dana.

"Uy hi Ms. Alvarez!" Ngiti nito sa akin.

"Bro wag kapatid ko." Nakita kong pabiro nitong siniko nito si Rivero.

"Baby girl let's go na?" tanong ni kuya. Tumango naman ako at nag paalam na sa mga kaibigan. Well, after all my first day went good because of my new friends. Nakuha na ni kuya ang sasakyan nya at pumunta na kami sa condo namin dahil sabi ni tita ay nailipat na ang mga gamit namin.

Our unit is pretty cool may malaking glass door papunta sa balcony at kita ang buong siyudad mula dito. May pinadala ding kasama namin sa bahay si tita para may mag luto at mag linis.

Alas sais ng gabi ng may nag door bell. Ate Linda, our kasambahay opened the door and I saw Rivero with someone na kamukha nya din pero mas matangkad at mas malaki ang pangangatawan. I'm sitting in our coffee table near the balcony with my pj's on! shit mukha nanaman ba akong mabaho?

"Riain may bisita kayo." Tawag ni ate Linda kay kuya. Agad naman lumabas ng kwarto si kuya.

"Oh bro aga nyo ata?" Ano to mag sleepover sila?

"Namiss ka namin bro!" Umapir at sabay tawa nung kasama ni Rivero.

"Si Brenty nasan na?" Tanong ni kuya.

"Nasa dorm pa. Mamaya maya daw sya." Sabi ni Rivero at tumingin sakin. Napatingin din yung kasama nya at si kuya.

"Bro baby sister ko, si Dani. Dani, this is Ricci and this is Prince, the Rivero bros." Pakilala nito.

"Hi!" Bati ni Prince. I smiled and waved back. Mukhang mabait ang isang ito hindi katulad ni Ricci.

"Oh buti naligo kana?" Pang-aasar ni Ricci nang mapansin na basa pa ang buhok ko. Umirap nalang ako.

"Oh close na kayo?" Tanong ni kuya.

"Never." Sabi ko at tumayo na para maka pag kulong sa kwarto.

Never.

Behind the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon