Chapter 26

398 8 2
                                    


Nagising ako dahil sa sikat ng araw sa aking mata. 11am na pala. Alas tres na ata kami natapos sa inuman at kwentuhan. Napangiti ako sa mga naalala. Sobra ko silang na miss.

Hindi na nila kaya umuwi kaya dito na namin pinatulog. Magkahiwalay ng kwarto ang boys at girls.

Naririnig ko ang ingay sa baba kaya agad akong nag ayos ng sarili. Habang nag aayos ay naalala ko kung pano ako sinamahan ni Ricci papunta sa kwarto ko.

"You should sleep na." Sabi ni Ricci nang hindi ko maalis ang tingin sakanya habang nakahiga na ako sa bed. Sya naman ay nakaupo sa tabi ko. I smiled.

"Tabi ka sakin?" Nag puppy eyes at sad face ako. Ngimiti lang ito at umiling. Gosh i miss him.

"No baby. Hindi pa ako ready maging daddy." He laughed. Nanliit ang mata ko at hinampas ito ng unan.

"Joke lang. Sleep na." He smiled and lightly poked my nose.

"Okay goodnight." I smiled. Dahil antok at hilo ako ay mabilis ako hinila ng antok. Naramdaman ko nalang ang halik sa noo at pag sarado ng aking pinto bago tuluyang nakatulog.

Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na ako. I'm wearing my usual pambahay. Loose tshirt and cotton shorts.

Nasa poolside ulit ang mga ito. Agad nahanap ng aking mata si Ricci na nakatingin na saakin. I smiled at him. Napatingin naman ito sa suot ko. Dahil sa igsi ng shorts ko ay parang wala na akong shorts.

"Goodmorning." Bati ko sa mga kaibigan ko.

"Goodmorning Dani!" Bati din nila.

Umupo ako sa nag iisang bakanteng upuan. Ang tabi ni Ricci.

"Goodmorning beautiful." He whispered to me. Napangiti ako.

"Goodmorning handsome." I winked at him.

"Grabe naman parang lalanggamin ako dito." Sabi ni Prince na katabi ni Ricci. Nag tawanan ang mga ito.

Ilang sandali lang ay nag lunch na din kami. Tuloy pa din ang usapan at tawanan habang kumakain. Ako ay tahimik lang na nakikinig.

"U okay?" Ricci asked me.

"Yah ofcourse." I smiled.

"Okay. U want rice pa? ang konti lang ng kinain mo." He asked.

"Yes pls. Nagutom ako." I said. Ngumiti lang ito at nilagyan nito ng rice ang aking plato.

Napatingin ulit ako sa nasa harap namin. Si Ella at Brent na mukhang ayos na at sweet ngayon.

Tinignan ko si Ella at napatingin din ito saakin.

Tinaas ko ang dalawa kong kilay na parang nag tatanong kung okay na sila. Ngumiti naman ito at tumango. Ngumiti ako ng pang asar at nagets nya agad ito. Inirapan lang ako nito at natawa.

Napatingin naman sakanya si Brent.

"Bakit ka natawa dyan? Nasasapian ka nanaman ba?" Tanong ni Brent kay Ella.

"Masama ba tumawa? Masama-" Natigil sa pag tatanong si Ella nang marahan na tinanggal ni Brent ang kanin na napunta sa baba nito. Parang nasa movie ang scenario.

Hindi ko napigilan ang kilig kaya hinampas ko ang nasa tabi ko.

"Ano yun?" Nagtatakang lingon saakin ni Ricci. Tinuro ko lang ang nasa harap namin at mahinang tumili. Masaya ako para sa bestfriend ko.

"Bro kayo na ba?" Ricci asked Brent. Nasamid si Ella. Sinamaan ko ng tingin si Ricci.

Matagal hindi nag usap si Ella at Brent at ngayon lang ulit nag ayos. At sigurado akong ayaw pa nila mag share dahil kakasimula lang ulit nila. At eto namang si Ricci nag tanong agad.

Behind the GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon