I was so excited and I went to salon to prepare for our date tomorrow night. I got my hair and nails done.To: Ricci
Just wanna remind u for our date tomorrow. Mwah
I texted Ricci while I'm on my way to the salon. Hindi sya nag reply agad kaya tinago ko na muna ang phone ko bago pumasok sa salon.
"Goodevening ma'am! Ngayon ko nalang ulit ikaw nakita ah!" Bati ng isang hairdresser/stylist doon.
"Goodevening James! Busy lang sa school kaya hindi na ko nakakapunta." Natawa kong sinabi bago ito nag beso.
"Ohhh. Pero in fairness blooming ka ngayon ma'am! Hmmm." Kunwari syang nag isip bago tumawa.
"Ewan ko sayo. Alam mo na gagawin sa buhok ko ha! Thanks." Natawa na din ako bago umupo sa harap ng salamin.
Patapos na akong ayusan ay hindi pa din nag rereply si Ricci.
To: Ricci
Are you done with your training? :c text me if you're going or not okay?
"Ayan ma'am ang ganda nyo na lalo!" Sabi ni James sabay pumalakpak.
Hindi ko alam kung binobola lang ba ako nito kasi pina trim ko lang naman ang buhok ko. Gwapo tong si James kaso hindi pwede kasi pusong babae.
"Thankyou." Ngumiti ako dito bago ako giniya kung saan gagawin ang aking nails.
Narinig kong tumunog ang aking phone kaya binuksan ko iyon.
From: Ricci
Pag-iisipan ko pa. Sorry we had dinner lang after training.
Napanguso at napa tango tango ako sakanyang reply. 'Pag-iisipan'
To: Ricci
Okay :(
Ayun ang huli kong message bago gawin ang nails ko. Nakita kong nag reply sya pero hindi ko na iyon masagot dahil baka masira ang nail polish at hindi pa tapos ang sa isa kong kamay.
He missed call twice pero di ko nasagot.
"James!" Pinatawag ko si James kay ate na gumagawa ng nails ko.
"Yes mumsh?" Lumapit ito samin.
"James favor naman. Pag may tumawag pls answer it I just can't hold my phone." Pinakita ko sakanya ang kamay ko. Tumango naman ito.
"Sino ba yun mam? Boyfriend mo?" Nag taas ito ng kilay.
"No. I don't know. Basta sagutin mo muna thanks." Sabi ko bago tinuro ang phone.
Kinuha nya ito at saktong may tumawag. Nataranta sya saglit bago pinakita sakin at tumango lang ako.
"Anong sasabihin ko??" Nataranta ito.
"I don't know just answer it! Go!" Natawa ako sa reaction nya.
"Hello." Baritonong boses ni James. Wtf? Pinanlakihan ko sya ng mata. Natatawa naman ito.
Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila dahil lumayo ito ng konti at sa tuwing mag sasalita ako ay tinataasan ako ng kamay ni James senyas na huwag muna mag salita.
Pagkatapos ng ilang minuto ay binaba na ni James ang phone ko. Hindi ata tama yung ginawa ko. Baka kung ano ano sinabi nito.
"Anong sabi?" Tanong ko at patapos na ang pag lagay ng polish sa kuko ko.
"Wala. Hinahanap ka lang." Ngumisi ito at tinalikuran na ako.
Pinasunod naman ako ni Ate na nag gawa ng nails ko sa isang station kung saan papatuyuin ang nail polish.