Mabilis natapos ang week na ito. Inubos ko ang mga oras ko sa pag tingin ng mga newspaper ng campus tungkol sa sports. Napag alaman ko na magaling sa sports ang La Salle lalo na sa basketball. Madami din akong nakita sa internet na mga fans ng Green Archer's. They are all rooting for La Salle this coming Season. I searched more, specially about the players and I found out na sobrang close nila sa family. I'm seeing more of Ricci and Prince's family picture, there's a lot!"Huy! Ano yan? Stalker kana?" Biglang kinuha ni Kyle ang phone ko at tinaas ito para hindi ko maabot. I'm tall but gosh he's taller.
"Hindi no! I'm researching!" Sabi ko at pilit inabot ang phone ko.
"Researching daw! Nako ha! sumbong kita kay mommy." Banta nya. "At si Ricci ba? ha?" Ngumisi sya.
"Hindi! Akin na nga!" Sabi ko at binalik naman nya. Sakanila kami lumaki ni kuya Riain, our parents? i don't know. Iniwan daw kami kila tita nung bata pa kami at ang alam ko lang ay kapatid ni tito si papa at umalis daw ang mga ito para mag trabaho pero hindi na muling nag pa kita pa. Maswerte pa din kami ni kuya dahil mabait sila saamin at tinuring na kami na parang totoong anak.
"Itigil mo na yan at sumama ka nalang samin!" Anyaya nito.
"Saan naman?" Tanong ko.
"Party. Tara na minsan lang naman and it's friday! let's have fun. Mag break ka muna sa acads at wag ka mag kulong sa kwarto mo. Kasama si Riain don't worry. And you can invite your friends." Humalukipkip ito at nag hintay ng sagot ko. Well okay lang naman at wala naman akong masyadong gagawin kaya pumayag na ako.
Nagbihis ako ng isang red halter top at black miniskirt na may slit and a nude pair of stilettos. Nag lagay din ako ng kaunting make up para hindi pale tignan ang mukha ko.
Pag labas ko ng kwarto ay nakita ko si Riain na nasa counter na kumakain ng sandwich habang may kausap sa phone.
"Yes, yeah dude i'll be there.." At pinatay nya iyon. Mukhang kakatapos lang nito maligo dahil naka tapis lang ito ng towel sa pang ibaba.
"Huy! mag bihis ka na nga!" Saway ko dito. Pero busy pa din sya sa phone nya. "Sino ba kasi yan?" Tinignan ko ang phone nya.
"Maganda ba?" Tanong nya at pinakita ang isang sexy na babae.
"Uh sakto lang." Well maganda sya pero ganun lang lagi sinasabi ko pag hindi ko gusto yung girl.
"Magkapatid nga kayo! mga stalker." Biglang sumingit si Kyle. Nakita ko ang nag tatanong na mga mata ni kuya kay Kyle. "Si Ricci mi loves iniistalk ni baby Dani kanina!" Humagalpak ito ng tawa. Agad ko itong inirapan. Ngumisi lang si kuya at pumasok na sa kwarto nya para maka pag bihis.
Pag katapos nila mag ayos ay dumeretso na kami sa isang club dito sa BGC. Pag ka pasok namin ay sumalubong sa amin ang dami ng tao, usok at ang malakas na tunog ng music. This is my first time actually, hindi ako sinasama nila Riain dito pero ngayon ay sinama nila ako para mag relax naman daw at uuwi na ng Laguna si Kyle sa makalawa. Hindi sya pinag-aral dito sa Manila dahil daw dito ay mapapadalas ang pag party nito.
Tito Alejandro, Kyle's dad, used to train us before, every summer when we were younger. He is part of the army and the head officer. Mabuti nalang at hindi na nya kami pinilit ni kuya doon.
Umupo kami sa isang u-shaped na upuan kung saan nandoon ang ibang kaibigan nila Kyle. I texted Sophia, Dana and Ella kanina at pupunta naman daw sila.
"Hi! I'm Lance." Naglahad ng kamay ang ng isang nakasalamin na lalaki.
"I'm Dani!" Tinanggap ko ang kamay nya at ngumiti. Nag pakilala pa ang iba pero hindi ko na nasundan nang nakita ang paparating na sina Ricci. Nabaling ang atensyon ng ibang babae dahil sa presensya nya. Some even took a picture of him!
Lalong umingay ang table namin nang dumating sila. He's wearing a dark blue long sleeve na nakatupi hanggang siko, isang fitted pants na nakatupi ang dulo at brown topsider. Ngayon ko lang sya nakitang ganito ang suot and he looks so damn good.
Umupo ako sa medyo gitna kung nasaan si Kyle na nakikipag-usap sa isang kaibigang babae.
"Hi! I'm Pauline. you're so pretty!" Naglahad sya ng kamay. Tinanggap ko ito.
"Thankyou! I'm Dani. Nice to meet you." I smiled.
"Nandyan na crush mo oh!" Bulong ni Kyle at humagalpak ng tawa dahilan ng pagtingin ng iba sa amin. Agad kong kinurot ang tagiliran nito para matigil. Umiwas naman ito at tumayo para makausap ang mga bagong dating. Kinabahan agad ako sa ginawa nya. Kahit madilim ay kita kong lumapit ito kay Ricci at may binulong. Dumaan ang tingin nito sa akin at bahagyang ngumisi. Nag iwas ako ng tingin. Stupid cousin! Ano yon!!
"First time mo? Ngayon lang kita nakita dito." Napabaling ako kay Pauline.
"Ah oo e. Ngayon lang din ako naisama ng kuya ko." I smiled. Mukhang sanay na sila dito at ako ay parang bata na baguhan sa mundo nila.
"Napansin ko lang, you like Ricci?" Ngumisi sya. Agad akong umiling. "Well okay lang yan, madami talagang nag kakagusto dyan." Napa-iling sya.
Ilang oras din kami nag usap bago sya nag aya sa dance floor pero tumanggi ako. Hindi ako marunong sumayaw nakakahiya! Halos lahat sila ay pumunta doon. Lima lang kaming natira dito. Ako, si Aljun kasama ang isang babae, Prince at si Ricci.
"Bro! tara sa dance floor!" Anyaya ni Prince at kumuha ng isang shot glass at iinom ang isang mukhang hard liquor. Umiling si Ricci.
Ilang dangkal lang ang layo namin pero lumapit sya sakin para maabot at makapag salin ng kanyang inumin. Naramdaman ko ang titig nya sa akin kaya bumaling nalang ako sa harapan. Shit! nasan na ba kasi yung mga kaibigan ko!
I opened my phone at nakita ang ilang message nila.
Sophia:
Sorry Dans I won't be there :(( nagkaron ng emergency sa bahay.
Dana:
I'm stuck sa traffic ughhhh!
Ella:
Otw gurl. May pogi ba?
Nireplayan ko ang mga kaibigan ko. Salamat naman at pupunta sila.
"Boyfriend mo?" Muntik na mahulog ang phone ko sa gulat nang biglang nag salita ang katabi ko. "Relax." Nahimigan ko ang tuwa sa boses nya. Agad akong umiling, hindi maka tingin sa kanya.
Lord ano ba 'to. Ilang araw lang naman yung ginawa kong research sakanya bakit ganito epekto nya? fan na din ba ako? no wayyyy. Well nakita kong mabait sya sa family at plus points yun pero... hindi ko alam bakit ganito ang nararamdaman ko.
"I heard first time mo daw dito. Buti sumama ka?" Bulong nya upang marinig ko ng ayos ang sinasabi nya. Naestatwa ako sa kinauupuan ko. Hindi na ako makagalaw ng ayos.
"O-Oo para kay k-Kyle" Nauutal kong sabi. Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumango lamang sya at uminom ng sinalin nya kanina at nag salin ulit. May dumating naman na isang babae na maigsi ang suot at halos lumabas na ang dibdib, tumabi ito kay Ricci at agad na hinaplos ang braso nito. May binulong din at agad napatawa si Ricci. Wtf? Nakikita ko ito sa tv pero iba pala pag sa personal makikita ang ganitong landian. Natulala ako saglit. Pero nag pasalamat din dahil dumating na si Ella at Dana.
"Girrrrlll!!" Tili ni Ella at yumakap sa akin. "Ano parang nakakita ka ng multo!" Tumawa ito.
"Hassle ng traffic! pero omgggg! daming gwapo! Nandito ang buong team?" Tanong ni Dana at hinanap ng kanyang mata ang iba sa dance floor. Tumango ako pero nawala ako sa mood kaya kinuha ko ang isang shot glass ng tequila at ininom ito. Agad din akong nag sisi dahil sa sama ng lasa at init na binigay nito sa katawan ko. Nakita ko ang pag lingon ng katabi ko.
"Oww! Chill girl! You okay?" Natatawang tanong ni Ella.
"Okay lang." Sabi ko at tumayo para maka punta sa dance floor. "Let's dance!" Anyaya ko sa dalawa. Agad namang uminom ang dalawa bago sumunod saakin. Bago umalis sa table ay nakita ko ang malamig na titig ni Ricci sa akin. Agad akong nag iwas ng tingin at dumeretso na sa dance floor.